Win Gatchalian sa pag-ship sa kanila ni Risa Hontiveros: Kinikilig din
AMINADO si Senate President Win Gatchalian na nakakaramdam siya ng kilig sa tuwing itinatambal siya sa kapwa senador na si Risa Hontiveros.
Matatandaang bukod sa “Senate-flix” na naging termino ng netizens sa nangyaring drama at gulo sa Senado, mainit rin na pinag-usapan ang tambalang “WinRi”.
Sa naging panayam ni Gatchalian sa isang radio program nitong Biyernes, June 19, naususa siya ni Alvin Elchico hinggil sa kanyang reaksyon sa pagtatambal sa kanila ng senadora.
“‘WinRi’ po pala ang tawag. Kinikilig kayo na may loveteam kayo, SP?’ tanong ni Alvin.
Baka Bet Mo: Win Gatchalian kakausapin mga hindi pumapasok na senador
Chika ni Gatchalian, nakakaramdam din siya ng kilig dahil napapalapit daw siya sa isang mahusay na babae kagaya ni Hontiveros.
“Syempre kinikilig din dahil na-associate ka sa isang magaling na tao,” sey ng bagong senate president.
Pang-aasar pa ni Alvin, “Parang namumula po kayo, SP.”
“Kayo talaga,” matipid na sagot ni Gatchalian.
Matatandaang naunang umugong ang chikang single na ang senador matapos ang “non-existent” statement niya patungkol sa love life.
Samantala, binati naman si Gatchalian ng kanyang ex-dyowa na si Bianca Manalo matapos na opisyal at pormal na maihalal bilang Senate President sa ginanap na special session ng Senado noong Miyerkules, June 17.
“Will forever be proud of you!!!! Well deserved! It’s about time! The country needs you!!!” sey ni Bianca.
“Nagpapasalamat ako, of course, kay Bianca. Nagpapasalamat din ako sa lahat,” sagot naman ni Gatchalian.
The post Win Gatchalian sa pag-ship sa kanila ni Risa Hontiveros: Kinikilig din appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 19, 2026
Rating:

No comments: