Charlie Dizon umamin: Kahit hindi ako mag-asawa, basta magkaanak ako!

MATAGAL nang naiisip ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon na magkaroon ng anak kahit noong wala pa siyang asawa.
Bago pa raw niya makilala at maging husband ang award-winning actor na si Carlo Aquino, talagang pangarap na niyang maging isang ina.
In fact, nai-imagine na nga raw niya kung anong klaseng mommy siya sakaling mabigyan na nga siya ng pagkakataon na mabuntis at manganak.
"Honestly, alam ni Carlo 'to, dati lagi kong sinasabi kahit hindi ako mag-asawa, basta magkaanak ako. Mas gusto kong magkaanak," ang pahayag ni Charlie sa interview ni Bianca Gonzalez para sa "The B Side."
"Hindi ko rin akalain na mag-aasawa na ako agad. Yung bigla na lang siyang dumating sa buhay ko tapos, boom, asawa.
"Dati, lagi kong sinasabi yun na gusto kong magka-baby din kasi talagang gusto kong makita ano attributes kaya meron ako na mapapasa ko sa kanya," ang sabi pa ng "What Lies Beneath" actress.
"Paano ako as a mom? Paano ako magpapalaki (ng anak)? Spoiler ba ako or mas disciplinarian. Pero ngayon, mas nafefeel ko na mas spoiler ako.
"Siya yung mas firm kasi siguro lalaki. Ako yung mas soft talaga. Pag nagsabi sa akin na please, hindi ko na matiis or pag nakita ko ng umiyak, go. Ganu'n agad," chika pa ni Charlie.
Sa ngayon, hindi pa binibiyayaan ng anak sina Charlie at Carlo, pero hindi naman daw sila nagmamadali, "In God's perfect timing siguro."
Samantala, kahit daw magkaroon na sila ng anak ni Carlo, hindi raw siya magku-quit sa mundo ng showbiz. Feeling naman daw niya ay kaya niyang pagsabayin ang pagiging nanay at artista.
"Yun na yung gusto kong mangyari. Yung nababalance na talaga. Kasi siyempre wala pa akong kids din so sana eventually kapag nangyari yun, yun na yung gusto ko.
"Ma-balance ko na rin yung time with family and career na active pa rin ako," pahayag ni Charlie Dizon.
The post Charlie Dizon umamin: Kahit hindi ako mag-asawa, basta magkaanak ako! appeared first on Bandera.

No comments: