Kiko Barzaga: Sa susunod na bagyo, ialay pamilya ng mga buwaya sa baha!

MULING bumanat si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa mga magnanakaw at korap sa gobyerno sa gitna ng pananalasa ng magkasunod na bagyo sa Pilipinas.
Pagkatapos humagupit ang Bagyong Tino sa Visayas at Mindanao region kung saan mahigit 200 katao ang nasawi at libu-libong bahay at ari-arian ang nasawak, sumunod naman ang Super Typhoon Uwan.
Mula pa kahapon nananalasa si Uwan sa iba't ibang bahagi ng bansa, partikular na sa rehiyon ng Luzon at inaasahang patuloy na magdadala ng matinding pag-ulan ngayong araw.
At dahil nga sa malawakang epekto ng magkasunod na bagyo sa bansa ay naglabas nga ng kanyang saloobin si Barzaga patungkol sa mga korap na opisyal ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Facebook, binengga ng kongresista ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Aniya, ang pamilya raw dapat ng mga corrupt officials ang dapat ialay sa mga susunod na bagyong tatama sa bansa.
"Sa susunod na bagyo, ialay natin yung mga pamilya ng mga buwaya sa baha, tignan natin kung magnanakaw ulit sila!" hirit ni Barzaga.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa FB post ni Barzaga.
"Dapat talaga siguro mag alay tayo ng isa sa kanila kada taon."
"Tingin ko pag nag alay ng isa sakanila kada 6months tingin ko di na babaha."
"Congressman Kiko Barzaga kelan ma babalik tubig dito samin sa salawag, hindi din kasi nag abiso na mawawalan kaya hindi din nakapag stock ka agad."
"Mga Bugok, bumabagyo n isip nyo nasa mga BUWAYA pa, magdasal kayo/ na walang mapahamak sa pamilya or kamag anak natin dahil sa Bagyong ito."
"Igapos ang mga paa at kamay maski walang garoteh!,, saka ihilera sa kalsada padapain bago dumating ang baha."
"Reminder, Kayo ang nangampanya at bumoto dyan. You should be accountable also. Don't act as if wala kang ambag sa pagkapanalo niya."
"Dapat ngayon na SANA,, BABAHAIN NA ANG LUZON DAPAT NA ISABAY NA YANG MGA BUWAYA. TITISTINGIN NA NI BAGYONG UWAN ANG FLOOD CONTROL SA LUZON. Hoy ICI,, BAKA NAMAN DUMAYO KA PA ULI SA DAVAO E NANDYAN NA SA KALAPIT MO ANG BINABAHA!"
"Yan tam itali sila sa mga puno sa gitna ng baha ng malaman nila."
The post Kiko Barzaga: Sa susunod na bagyo, ialay pamilya ng mga buwaya sa baha! appeared first on Bandera.

No comments: