BuCor itinanggi VIP treatment kay Alice Guo sa Correctional

Pinasinungalingan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nabibigyan ng "special treatment" si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo alias Guo Hua Ping sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Base sa inilabas na pahayag ng kawanihan, hindi iba ang turing kay Guo sa iba pang mga bilanggo sa CIW.
Naglabas ang BuCor ng paglilinaw dahil sa kumakalat na ulat na "very important person o VIP" ang turing kay Guo sa CIW.
Baka Bet Mo: Alice Guo inilipat na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong
Itinanggi ni CIW Chief Supt. Marjorie Ann Sanidad na binisita ng mga Chinese nationals si Guo at diumano'y naabutan ito ng mobile phone.
Ayon kay Sanidad tanging mga abogado lamang ni Guo ang bumisita at ito ay noong Disyembre 6 hanggang 10 tanging mga abogado lamang nito ang bumisita sa kanya.
Inilipat sa CIW mula sa Pasig City Jail si Guo matapos nasentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong qualified human trafficking.
Sumunod sa kanya sa CIW noong Disyembre 5 ang mga kapwa nasentensyahan na sina Jaimielyn Santos Cruz at Rachelle Joan Malonzo Carreon.
The post BuCor itinanggi VIP treatment kay Alice Guo sa Correctional appeared first on Bandera.

No comments: