BREAKING NEWS

Sarah Discaya natatakot makulong: Paano mga anak ko?

Sarah Discaya natatakot makulong: Paano mga anak ko?

EMOSYONAL na ibinahagi ni Sarah Discaya ang pangambang makulong at mahiwalay sa kanyang mga anak dahil sa pagkakadawit sa maanomalyang flood control project sa Davao Occidental.

Sa kanyang panayam noong Miyerkukes, December 10, sinabi niyang hindi niya maiwasang isipin na makulong.

"Syempre you don't just think of 'ay, hindi ko ako makukulong kasi nadamay lang ako,'" saad ni Discaya.

Pagpapatuloy niya, "Iniisip ko, long term din, baka mamaya makulong talaga ako."

Baka Bet Mo: Sarah Discaya sumuko na sa NBI kahit wala pang arrest warrant

Lagad ni Discaya, hindi niya gustong makulong dahil mayroong kondisyong Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder o ADHD ang kanyang mga anak.

"Ayoko. Ayoko sana. Kasi as everyone knows, my kids they all have ADHD, husband ko nasa Senate tapos ako makukulong. Ang hirap.

"Ang hirap, hindi ko alam kung paano 'yong mga anak ko. Hindi ko talaga alam," umiiyak na sabi ni Discaya.

Aniya, ang lahat ng kanyang ginagawa sa buhay ay para sa mga anak kaya inaalala niya kung paano na lang kapag nahiwalay ito sa kanya.

"Sobrang concern ko ang mga anak ko kasi kung ano man [ang] ginagawa namin [ay] para sa mga anak namin tapos biglang ihihiwalay ako sa mga anak ko," sabi ni Discaya. 

Pagpapatuloy niya, "'Yon 'yong pinakamahirap, na mahiwalay sa mga anak."

Matatandaang nauna nang sumuko si Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na inilabas na ang warrant of arrest laban sa kaniya noong Martes, December 9, 2025.

The post Sarah Discaya natatakot makulong: Paano mga anak ko? appeared first on Bandera.


Sarah Discaya natatakot makulong: Paano mga anak ko? Sarah Discaya natatakot makulong: Paano mga anak ko? Reviewed by pinoyako on December 11, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close