BREAKING NEWS

Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don’t see it

Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don't see it

NAG-REACT ang Kapuso TV host-actress na si Cassy Legaspi sa matagal nang chika na kahawig niya ang South Korean actress na si Han So Hee.

Si Han So Hee ay bumida sa maraming Kdrama series na minahal ng mga Pinoy gaya ng "The World of the Married (2020)," "Nevertheless (2021)," "My Name (2021)," "Gyeongseong Creature (2023-2024)," at iba pa.

Sa naging panayam kay Cassy ng GMA News Online, nausisa siya hinggil sa pagsasabing tila magkakambal sila ng Korean star.

Aminado siya na hindi niya napapansin ang pagkakahawig nila pero nagpapasalamat siya sa mga nagsasabi.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi sumeksi dahil sa pagbabago ng lifestyle: I lost 30 pounds

"Personally I don't see it. I'm thankful. I'm grateful.That's a huge, huge compliment for me. Kasi si Han So Hee is my idol po talaga," saad ni Cassy.

Aniya, malaking bagay ang pagkukumpara sa kanilang dalawa dahil hinahangaan niya ito.

"Especially when it comes to acting. I love her projects. That's a huge compliment," dagdag pa ni Cassy.

Matatandaang nagkita na ang dalawa noong nagdaang buwan lamang nang bumisita si Han So Hee sa Maynila para sa kanyang fan event.

"Super na-starstruck ako. It was so cool seeing her in real life," chika pa ni Cassy.

The post Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don't see it appeared first on Bandera.


Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don’t see it Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don’t see it Reviewed by pinoyako on October 10, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close