BREAKING NEWS

Chavit Singson nagsalita na tungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward

Chavit Singson nagsalita na tungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward
Chavit Singson at Jillian Ward

PAGKATAPOS matsismis na may anak daw sila ni Yen Santos, nali-link naman ngayon si Chavit Singson sa Kapuso actress na si Jillian Ward.

May mga naglabasan kasing blind item na tila tumutukoy sa dating gobernador ng Ilocos Sur at kay Jillian kung saan pinalalabas na meron daw "something special" sa pagitan nila. 

Ayon sa mga chika, nagkakamabutihan at close na close umano ngayon sina Manong Chavit at Jillian na pinaniniwalaan naman ng ilang netizens na nakakabasa nito.

Kaya naman nang makachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment media si Manong Chavit ay isa nga sa mga naitanong sa kanya kung totoo ba ang mga chika about him and Jillian.

Sey ng dating politiko, walang bahid ng katotohanan ang naglalabasang tsismis tungkol sa kanila ng Kapuso star kaya huwag daw basta maniwala ang mga tao.

"Marites lang yun, Marites lang. Naririnig ko nga yan. Marami ngang nali-link sa akin. Pero puro Marites yun," paglilinaw ni Chavit.

Pero nang tanungin uli siya kung totoo bang nagkaroon sila ng relasyon ni Yen Santos ay hindi sinabi ni Manong Chavit na tsismis lang yun. 

"Ang tanging naisagot niya ay, "Next question." Na sinundan pa niya ng pilyong tawa sabay pakiusap na huwag na raw siyang tanungin tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya.

Ang tanging dinenay niya uli ay ang chikang may anak sila ni Yen na nauna na nga niyang pinabulaanan nang umapir siya sa YouTube channel ng aktres.

The post Chavit Singson nagsalita na tungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward appeared first on Bandera.


Chavit Singson nagsalita na tungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward Chavit Singson nagsalita na tungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward Reviewed by pinoyako on October 14, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close