BREAKING NEWS

Janus del Prado inokray wedding cake ni Carla Abellana: Sisiw na lang kulang! 

Janus del Prado dinogshow wedding cake ni Carla: Sisiw na lang kulang! 
Janus del Prado, Carla Abellana at Reginald Santos

GINAWANG katatawanan ng aktor na si Janus del Prado ang cake sa kasal ng Kapuso actress na si Carla Abellana at ni Dr. Reginald Santos na ginanap last December 27.

Dinogshow ni Janus ang itsura ng wedding cake nina Carla at Reginald na ipinost pa niya sa kanyang social media account.

Ang feeling kasi ng character actor, nagmukhang kabaong sa burol ang cake sa kasal ni Carla dahil sa haba nito at sa ilang bulaklak na nakapaligid dito.

"Cake! Ba't mo kami iniwan! Huhu!" ang mababasa sa caption ni Janus. Hirit pa niya, "Sisiw na lang kulang."

Sa isa pang hiwalay na post, muli ng inokray ni Janus ang cake nina Carla, "Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay."

May netizen na um-agree sa pahayag ni Janus at nagkomento kung bakit pahaba nga ang cake at kakulay pa ng ataul.

Reply ni Janus sa kanya, "Till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh."

Nakarating kay Carla ang pambebengga ni Janus sa kanilang wedding cake at nagkomento sa post ng aktor.

"Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante," ang sagot ni Carla.

Narito naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa sagutan nina Janus at Carla.

Hahahhahahahahaha bat kasi hahahahhahahahahahahaha buti walang salamin"

"Are they close friends? I like Janus especially when he stands up for Bea sa mga posts niya but this one isn't funny for me."

"Un din una kng naisip nong nakita ko ang video sa cake nila! Dpat heart nalang na malaki eh."

"Itawid na ang mga bata."

"Why would you make that kind of joke, let alone in socmed?! Kesehodang kaclose mo o kamag-anak, hindi yan gawain ng matinong tao."

"Maganda naman nga kaso ung design at ung pwestuhan ng flower medyo naging awkward yung itsura."

"Janus, making comments like that on someone's wedding day is disrespectful and unnecessary."

The post Janus del Prado inokray wedding cake ni Carla Abellana: Sisiw na lang kulang!  appeared first on Bandera.


Janus del Prado inokray wedding cake ni Carla Abellana: Sisiw na lang kulang!  Janus del Prado inokray wedding cake ni Carla Abellana: Sisiw na lang kulang!  Reviewed by pinoyako on January 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close