BREAKING NEWS

Barbie Imperial ipatatayo na ang dream house, katas ng 10 years sa showbiz 

Barbie Imperial ipatatayo na ang dream house, katas ng 10 years sa showbiz 
Barbie Imperial kasama ang kanyang familya

MEGA-FLEX si Barbie Imperial sa disenyo ng bahay na ipagagawa niya sa hometown niya sa Bicol para sa kanyang kapatid at Mama Bing Imperial.

Base sa Instagram post ng aktres ay nagkaroon na ng groundbreaking ceremony kasama ang mama at kuya niya at ang pinsang architect at staff nito.

Ang ganda ng bahay kapag natapos ito, isang contemporary modern house with modern architectural na may malalaking bintana para sa natural light at may mga puno sa gilid ng pader kung saan nakalagay ang hindi kalakihang swimming pool.

Ang caption ni Barbie sa mga larawan ng kanyang ipapagawang bahay: "MAY BAHAY NA AKO SA BICOL (crying face, praying hands at red heart emoji).

"Oh my… 10 years in the industry and was able to put a roof over my mama and kuya's heads, and now I have my own home in my province."

Pinasalamatan ni Barbie ang ABS-CBN at Star Magic dahil sa pagbibigay sa kanya ng mga trabaho.

Aniya, "Thank you to everyone who helped me achieve my dreams in life. I'm especially thankful to ABS-CBN and my StarMagic family for all the projects they trusted me with. to everyone who trusted me and continues to trust me, thank you."

At kaya emosyonal ang dalaga ay dahil naalala niya ang hirap niya sa loob ng 10 taon para makaipon at maipagawa ang dream house para sa kanilang mag-iina.

Say ng aktres, "Nakakaiyak kasi sobrang pinagpaguran ko to ng ilang taon…puyat, pagod, at ilang beses na iyak. huhu salamat sa Diyos at s'yempre sa nag-iisa kong lakas, mama.. para sayo to lahat.(teary eyed emoji)."

May mensahe rin siya sa pinsang nag-design sa kanyang bahay, "Thank you to my cousin, architect @ar.pattmarbella @vestaarchitectsph for this beautiful design. (house, man and heart emoji)."

Maraming celebrities naman ang bumati ng "congratulations", "proud of you" at nag-heart sa post na ito ni Barbie kabilang na sina Mariel Padilla, Tony Labrusca, Gretchen Fullido, Jules Estrada, Max Collins, DJ Chacha, BINI Gwen, Marco Gumabao (pinsan ng dalaga) at marami pang iba.

May nabasa naman kaming tila binasag ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Barbie dahil nabasa namin sa ibang website na posibleng tinulungan daw siya ni Richard Gutierrez na boyfriend niya ngayon.

The post Barbie Imperial ipatatayo na ang dream house, katas ng 10 years sa showbiz  appeared first on Bandera.


Barbie Imperial ipatatayo na ang dream house, katas ng 10 years sa showbiz  Barbie Imperial ipatatayo na ang dream house, katas ng 10 years sa showbiz  Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close