BREAKING NEWS

Aljur Abrenica goodbye ‘Batang Quiapo’, blessing sa buhay si Coco

Aljur Abrenica goodbye 'Batang Quiapo', blessing sa buhay si Coco
Aljur Abrenica at Coco Martin

INAMIN ni Aljur Abrenica na marami siyang natutunan sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" kung saan gumaganap siya bilang Hector Victorino.

Sa kanyang exit interview ay nagkuwento ang aktor na gustung-gusto niya ang mga eksenang kasama niya si Coco Martin bilang si Tanggol.

"Paborito kong eksena dito sa Batang Quiapo ay 'yung unang tagpuan namin ni Tanggol. That day nagawa ko 'yung isa sa mga gusto kong gawin talaga is action and working with Direk Coco, ang sarap sa pakiramdam na nagagawa mo 'yung gusto mo, tapos 'yung ka-fight scene ay napakagaling talaga na action star na magaling sa choreography.

"That day marami akong natutunan dahil habang nangyayari 'yung fight tuwang-tuwa ako kasi binabago 'yung fight, nakita ko 'yung execution, so, I won't forget that day kasi habang ginagawa ko 'yung fight scene na 'yun hinahabol ko 'yung hininga ko.

"Kung makikita ninyo almost every take I'm catching may breath kasi I'm giving may 100 percent at saka 'yung action talaga binusisi nila, ang sarap sa pakiramdam kasi you're doing what you love," balik-tanaw ni Aljur.

Tungkol naman sa karakter niya bilang Hector Victorino ay hindi ito ipinagmamalaki ni Aljur at sinabing huwag siyang tularan.

"Sa karakter ni Hector, huwag siyang tularan, mali kasi 'yung prinsipyo niya. For him he gets what he wants. Ini-aim niya handa siyang ilaglag 'yung kapwa niya pulis, handa siyang manapak ng tao para maluha lang 'yung gusto niya," payo ni Aljur sa mga manonood na iniidolo siya bilang pulis.

Nabanggit din ng aktor na siya ang dahilan kung bakit may mga gulo sa presinto niya dahil may ginawa siyang pailalim para masira si John Estrada bilang si Dimagiba na later on ay naging hepe niya dahil malakas sa mayor na si Jake Cuenca bilang si Miguelito.

"Huwag maghahatol o mag-iisip ng hindi maganda sa tao para lang makuha 'yung kagustuhan mo," sambit ni Aljur.

Si Maris Racal bilang si Ponggay sa "BQ" ang type ni Aljur na ginamit niya sa kuwento, "Ang payo ko ay huwag maging selfish."

Ang pagpunta sa set ng "Batang Quiapo" ng maaga ang isa sa natutunan ni Aljur.

"In general na natutunang maganda ay 'yung pagiging early sa set, mas naging agresibo sa trabaho," saad ng aktor.

At natutunan daw ni Aljur kay Coco bilang tao, "Being around him is naging blessing siya sa buhay ko.  May mga nabukas kasi sa akin bilang tao.

"Behind the camera sabi sa akin ni direk Coco always telling me may strengths at mga weakness ko, thank you Kuya," aniya.

Hindi nakalimutang pasalamatan ni Aljur ang CCM production, "Nagpapasalamat po ako sa pag-unawa, pagtitiyaga sa extra mile and effort bilang isang artista ay napabuti 'yung kinalabasan (ng role niya).

"Nagpapasalamat po ako kasi ibang-ibang production ito (CCM), dahil maalaga po sila sa artista, pinangangalagaan nlahat lalo na sa mga eksena," say ng aktor.

Napuri rin niya ang CCM sa masarap na pagkain at iniintindi rin daw ang kapakanan niya bilang sa Pampaga pa raw siya umuuwi.

"Kino-consider nila 'yung call time at kino-consider din nila 'yung uwi ko at saka nagpapasalamat ako sa good memories, tumatawag sila kung kumusta ako, mga anak ko kung napuntahan ko ba sila (mga anak kay Kylie Padilla).

"Direk pangalawang project na po natin ito (una ang FPJ's Ang Probinsyano) as always po Direk laging may milestone na pagbabago lalo na sa pagiging artista hindi lang sa pagiging aktor pati sa mga personal na bagay pa.

"You deserved all the blessings na napupunta sa inyo, sana nakatulong din ako sa sinabi ko sa inyo na sa isang araw sa isang linggo ay pahinga. 

"Nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil galing sa kanya ay marami kayong natutulungang mga artista hindi lang sa buhay nila kundi sa larangan ng sining din.

"More power po sa inyo Direk, si Aljur Abrenica o Hector Victorino ay nandito lang palagi kapag kailangan ninyo, mahal na mahal ko kayo. Sa mga sumubaybay po ng Batang Quiapo at sa karakter ko na tumatawag sa akin ng 'Victorino' o 'Hector' sa daan, sa gasolinahan at kung saan man ninyo ako makita, salamat at sinuportahan ninyo ako at napakasarap sa pakiramdam na tinatawag ninyo ako sa karakter na 'yun," mahabang sabi ng aktor.

Samantala, binigyan din si Aljur ng "thank you' cake sa set na pinangunahan pa ni Coco ang pagkanta ng "thank you very much" sabay palakpakan ng lahat.

Tuloy ng aktor, "Ako po si Aljur Abrenica gumaganap bilang Hector Victorino is now signing off."

Pumasok si Aljur sa "BQ" noong Setyembre, 2025 at nagtapos ngayong Enero, 2026 kaya mahigit tatlong buwan din siya sa serye.

The post Aljur Abrenica goodbye 'Batang Quiapo', blessing sa buhay si Coco appeared first on Bandera.


Aljur Abrenica goodbye ‘Batang Quiapo’, blessing sa buhay si Coco Aljur Abrenica goodbye ‘Batang Quiapo’, blessing sa buhay si Coco Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close