Ashtine Olviga ibinuking nadiskubre sa ugali nina Claudine at Rufa Mae

NEVER malilimutan ng Viva Artists Agency (VAA) talent na si Ashtine Olviga ang naging experience niya working with Claudine Barretto and Rufa Mae Quinto.
Makakasama niya sina Claudine at Rufa Mae sa magkahiwalay na episode ng upcoming anthology series na "Viva One Originals: Ashtine."
Muling ipakikita ng ka-loveteam ni Andres Muhlach sa madlang pipol ang kanyang versatility as an actress sa "Viva One Originals: Ashtine" kung saan iba't ibang character ang gagampanan niya sa apat na episode. Magsisimula na ito ngayong March.
Sa naganap na presscon ng "Viva One Originals: Ashtine", natanong ang aktres kung anu-ano ang mga natutunan niya kina Claudine (co-star niya sa Bahay-Bahayan)
at Rufa Mae (kasama niya sa Who's The Boss).
"Kay Ms. Rufa, pinakanatutunan ko is to enjoy the set lang. Sobrang relaxed niya po, and kahit minsan nadi-delay kami, siya sobrang relaxed lang. Napapagaan niya at nawawala po 'yung problema sa set.
"Ikaw mismo, kailangan mong magbigay ng positive energy para mas makatulong ka sa mga taong namomroblema sa paligid mo," aniya.
Para naman daw kay Claudine, "Alam naman po natin, Ms. Claudine Barretto, sobrang icon po siya. Pinakana-amaze po ako nu'ng habang nagte-tape kami, may kailangang isarang door kasi kita sa camera.
"Since kaya na niya gawin, siya po nag-volunteer na magsara ng pinto. Natuwa po ako doon sa simple act na 'yon kung gaano pa rin siya ka-humble," saad pa niya.
Pinuri rin ni Ashtine ang isa pa sa makakasama niya sa nasabing anthology series, ang Korean star na si Lee Dae Won na katambal niya sa episode na "My Melody".
"Kahit nahihirapan siya dahil sa language barrier at sa dami ng instructions, andoon 'yong willingness at eagerness niya gawin 'yong work niya," sabi pa niya.
Hangang-hanga naman ang aktres sa style ng singer-songwriter na si Rob Deniel na makakasama rin niya sa "My Melody".
"Pwede mo pala ilabas ang creative side mo sa mga ganoong bagay (pagsulat ng kanta). Walang imposible," sabi ni Ashtine.
May isang advice naman daw sa kanya si Marco Gumabao na nakasama niya sa "Balik-Eskwela" episode, "Kahit gaano ka-busy, huwag mong pabayaan ang healthy lifestyle mo."
The post Ashtine Olviga ibinuking nadiskubre sa ugali nina Claudine at Rufa Mae appeared first on Bandera.

No comments: