Lexi Gonzales galit na galit sa mga bastos at epal: Kadiri kayo!

BEAST mode ang Kapuso actress na si Lexi Gonzales sa magkakasunod na cryptic post niya sa Threads.
Walang binanggit si Lexy kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga post pero feeling ng netizens, may konek ito sa umano'y nagpapakalat na may video scandal umano ang ex-boyfriend niyang si Gil Cuerva.
"Disgusting how some people are like flies who flock on other people's dirty laundry.
"You guys are absolute scum of the Earth," simulang pagbabahagi ng dalaga.
Aniya pa, "Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law.
"Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn't know what that means kasi nothing disgusts you," sabi pa ni Lexi.
Batay sa reaksyon ng mga nakabasa sa post ng aktres, baka raw may kinalaman ito sa pinagpipiyestahang sex video umano ni Gil Cuerva.
Bukod sa Kapuso hunk, may mga kumalat din umanong video scandal sa social media sina Nikko Natividad, Ron Angeles at Arron Villaflor.
Tinatawag ngayon ang apat na aktor na "The Big Four" matapos silang mag-viral sa X (dating Twitter) dahil nga sa sinasabing sex video.
Dinenay na ni Aaron na siya ang nasa video habang hindi pa nagsasalita hinggil dito sina Gil, Nikko, at Ron.
The post Lexi Gonzales galit na galit sa mga bastos at epal: Kadiri kayo! appeared first on Bandera.

No comments: