BREAKING NEWS

Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick Monasterio biglang naiyak 

Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick biglang naiyak
Derrick Monasterio at Elle Villanueva

PAREHONG naging emosyonal ang Kapuso couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nang magbigay sila ng "promise" para sa isa't isa.  

Sa guesting nila sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan, ay natanong sila kung ano ang gusto nilang ipangako sa puntong ito ng kanilang buhay. 

Biro ni Elle, feeling daw niya ay  ikinakasal na sila ni Derrick sa studio ng "FTBA" dahil sa bibitiwan  nilang pangako sa isa't isa.

Pahayag ni Derrick, "My promise to you, love, is I'm gonna be a good provider, I'm gonna treat you the way you're supposed to be treated, and hindi ko kakalimutan 'yung value mo kung paano ka pinalaki."

Sey naman ni Elle, "Ako naman, promise ko sa 'yo, forever kitang mamahalin, forever kitang iintindihin at aalagaan, hindi kita papabayaan."

Kasunod nga nito ang pagluha ng magkarelasyon matapos marinig ang kanilang respective message.

"Nakaka-touch lang kasi finally, sa tagal, sa dami ng dumaan sa akin, parang, at least, nahanap ko na and ang swerte ko talaga," ani Derrick.

Five years from now ay nakikita ni Derrick na kasal na sila ni Elle pero ayon sa Kapuso actress, hindi pa siya handang magkaroon ng anak, kahit alam niyang nasa tamang edad na rin naman siya.

"'Yun 'yung pressure sa babae, 'yung age, 'yung timeline, to get pregnant. But then, I would think it's hard nowadays. 

"Takot akong mag-raise ng bata considering na gan'to 'yung gobyerno, ang political side natin, iba, so 'yun lang naman 'yung iniisip ko kung bakit heistant pa 'ko," saad ni Elle.

The post Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick Monasterio biglang naiyak  appeared first on Bandera.


Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick Monasterio biglang naiyak  Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick Monasterio biglang naiyak  Reviewed by pinoyako on March 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close