Neri Miranda 2 years hindi nakapunta sa Baguio dahil sa matinding trauma

MAKALIPAS ang dalawang taon, muling nagtungo sa Baguio si Neri Miranda kasama ang kanyang pamilya upang bisitahin ang kanilang bahay doon.
Inamin ng dating aktres at negosyante natagalan ang pagbalik nila sa Baguio dahil sa naranasan niyang matinding trauma.
Nag-post si Neri sa kanyang Instagram page ng video kung saan makikita ang pagha-harvest niya ng rosemary, lavender, at sage sa garden ng kanilang bahay sa Baguio City.
Aniya sa caption, "Namiss ko ang Baguio house namin…
"Two years din kami na hindi nakapunta…
"The last time na dapat pupunta kami ng asawa ko, trauma ang inabot ko…
"Simula noon, hindi na kami makabalik. Kahit gustuhin ko, parang may takot na hindi ko ma-explain," pagbabahagi ng wifey ni Chito.
Walang binanggit na detalye si Neri tungkol sa naranasang trauma pero mukhang may konek ito sa pagkaaresto at pagkulong sa kanya noong November, 2024.
Ito'y dahil sa 14 counts of security regulations violation at syndicated estafa na isinampa laban sa kanya. Pero noong ibinasura na ng korte ang lahat ng mga kasong ito.
Pagpapatuloy ni Neri sa kanyang post, "May mga lugar talaga na hindi lang 'bahay' sa atin…They hold memories. Some beautiful. Some painful.
"Minsan ganun pala 'no? May mga lugar na mahal mo, pero minsan nagiging mabigat? Dahil sa trauma.
"Sabi ng asawa ko, try natin ulit mag-Baguio.. Dahan-dahan lang…
"Hindi para pilitin ako.. Hindi para i-prove na okay na ako… kundi para tulungan akong mag-heal," lahad pa ni Neri.
Nagpasalamat din siya sa kanyang asawang si Chito, "And thankful ako kasi may partner ako na iniisip ang wellness ko. Gusto niya maging masaya lang ako palagi… kasi doon din siya mas masaya at relaxed.
"Pagdating namin sa bahay, ang una kong napansin…Sobrang lago ng rosemary ko at namulaklak ang sage at lavender ko.
"Rosemary is for remembrance. Sage is for cleansing. And lavender is for calmness.
"Parang coincidence di ba? Parang may bulong si Lord through my garden: 'You survived. You're growing. You're safe.'
"Kahit may trauma. Kahit may anxiety. Life still grows.
"Ang sarap din na alam kong may partner ako sa buhay na hindi ako pinepressure maging 'strong.'
"Palagi niyang sinasabi na ok lang mag pause… magpahinga.
"Thankful ako kay Lord… dahil dahan-dahan nagiging okay na ako. Hindi overnight.
"Hindi perfect. Pero getting better. I am surrounded with people who love me… and protect me.
"I am surrounded with my plants sa aking garden…And instead of avoiding the pain forever, I chose to face it slowly..
"And that's enough."
The post Neri Miranda 2 years hindi nakapunta sa Baguio dahil sa matinding trauma appeared first on Bandera.

No comments: