BREAKING NEWS

Karla Estrada sa nanghaharas kay Lella: Sira ulo ka! Hindi ko ‘to palalagpasin!

Karla Estrada sa nanghaharas kay Lella: Sira ulo ka! Hindi ko 'to palalagpasin!
Lella Ford at Karla Estrada

HINDI na nakapagpigil ang actress-TV host na si Karla Estrada sa pambabastos at panghaharas sa anak niyang si Lella Ford.

Si Lella ang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0." sa ginanap na The Big Night last week habang ang Kapuso Big Winner naman ay si Caprice Cayetano.

Bago pa man ang The Big Night last February 28, ay nagpahayag na si Karla ng kanyang saloobin sa Facebook patungkol sa mga natatanggap na batikos ni Lella habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

"I understand that everyone has their own interpretation of what happened, and emotions really run high when we talk about something we all care about. But I also hope we can be fair to Lella.

"When Lella was mentioned for a particular task, there were no loud defenses, no long explanations, no big reactions.

"She accepted it quietly and continued to fight her battles with grace. She never questioned anyone's worth or capacity publicly.

"She focused on doing her best and letting her actions speak for her," simulang pagbabahagi ng TV host.

Pakiusap pa ni Karla huwag namang personalin at bastusin si Lella, "We also have to remember that inside the house, emotions are intense, pressure is real, and opinions are formed in very different circumstances than what we see outside.

"Having an opinion about performance or deserving a spot doesn't automatically mean there is hidden animosity. Sometimes it's just perspective and perspective can differ without being malicious.

"Instead of bashing or assuming ill intent, maybe this is a reminder for all of us to value each opinion, even when we don't agree with it.

"Healthy discussion is okay. Personal attacks are not.

"Let's choose understanding over judgment. At the end of the day, they all worked hard, they all sacrificed, and they all deserve respect," ang litanya pa ni Karla.

Nitong Lunes, March 2, muling naglabas ng saloobin ang nanay ni Daniel Padilla sa pamamagitan pa rin ng Facebook at dito nga niya pinayuhan si Lella.

"Tapos na ang laban sa loob ng bahay ni kuya. Haharapin na ang totoong laban sa labas na mag papatunay ng tunay na kakayahan ng pag ganap sa bawat palabas na matatanggap.

"Mas pagtuunan ng pansin ang hamon sa pag arte bilang artista ng kapamilya network at bilang tao na may tapang at sariling paninindigan.

"Pagtuunan ang bawat trabaho na nakapila. Pagbutihin ang pagiging artista. Pagtagumpayan mo anak ang pangarap na matagal mo nang inaasam.

"Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta, nag puyat, nag ambag at lumaban sa hamon ng pag papagod sa kaka-boto hangang sa makaalagwa!MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!

"Andito lang kaming lahat para suportahan, protektahan, alagaan at mahalin ka!

"MABUHAY ANG KAPAMILYA BIG WINNER LELLA FORD!

"Patuloy lang sa pangarap anak. asahan ang mga balakid na susubok ng katatagan mo. ngunit tandaan, walang kasamaan na nag tatagumpay.

"Ang mahalaga, pagbutihin mo ang mga magiging trabaho mo at husayan pa ang talento sa pag arte. makisama sa lahat at mag enjoy lang anak sa mga hamon. sama sama tayong mag lalakbay patungo sa iyong tagumpay Le!

"Hanggat maayos at mabuti ka, panalo ka," ang buong pahayag ni Karla.

Pero kasunod nito, beast mode na si Karla at nag-post ng mga screenshots ng mga panghaharas at panlalait kay Lella ng bashers matapos itong manalong Big Winner.

Isa sa mga mababasa sa screenshot ay ang komento ng netizen na sana'y gayahin daw ni Lella ang nangyari sa anak ni Kim Atienza na si Emman Atienza, na namatay noong October, 2025 sa edad na 19.

Post ng netizen na may user name na KACCCH4N, "Lella remember Emman? Sana gawin mo rin po please. Naway ma depress sa mga comment at sundan niya si emman. Di mo gets? Sana gets mo na."

Resbak ni Karla sa kanya, "Ganito na ka sira ulo ang taong ito sa pinag sasabi nya. at dahil dyan hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap tanggap. intayin mo ang balik sayo nitong pakiusap mo sa anak ko. sira ulo ka.

"Wala nang hindi matutunton ngayon KACCH4N," sey pa ng aktres.

Ipinost din ni Karla ang mga pangalan at profile photos ng ilang haters ng anak na may caption na, "Nasasanay tayo na mag bash lang ng di nyo iniisip naka tiwangwang mga profile nyo kasama nga anak, mga magulang at pamilya nyo.

"Pinadala lang sakin ito ng cyber libel team. hindi nyo kailangang mag lock ng profile ma checheck din kse lahat.

"Cge lang mambastos lang kayo. May balik lahat.

"May kahihinatnan to. nasira na ulo."

The post Karla Estrada sa nanghaharas kay Lella: Sira ulo ka! Hindi ko 'to palalagpasin! appeared first on Bandera.


Karla Estrada sa nanghaharas kay Lella: Sira ulo ka! Hindi ko ‘to palalagpasin! Karla Estrada sa nanghaharas kay Lella: Sira ulo ka! Hindi ko ‘to palalagpasin! Reviewed by pinoyako on March 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close