Balitang next target na ng Iran ang Pilipinas fake news – DND

BINALAAN ng Department of National Defense (DND) ang sambayanang Pilipino na huwag basta-basta maniniwala sa mga naglalabasang balita sa social media hinggil sa kaguluhan sa Middle East.
Maraming maling impormasyon kasi ang kumakalat ngayon online tungkol sa patuloy na giyera sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng Amerika at Israel at Iran.
Batay sa Facebook post ng DND, pinabulaanan ng ahensiya na fake news ang isang kumakalat na artikulo sa social media na nanginginig na raw sa takot ngayon si Defense Secretary Gibo Teodoro dahil ang Pilipinas na umano ang next target ng Iran.
"The Department of National Defense warns against videos and other materials posted online propagating false narratives about the situation in the Middle East.
"These messages are harmful and cause unnecessary confusion among the public," ang mababasa sa post ng DND.
Paalala ng ahensya, siguruhing kumuha lamang ng mga tamang impormasyon at balita mula sa mga reliable news sources.
"We enjoin the public to refrain from sharing unverified materials and obtain information only from reliable sources.
"Rest assured that the DND remains ready to respond to possible contingencies to safeguard the welfare of Filipinos should conditions warrant further action," ang mensahe pa ng DND.
Mariin pang sinabi ng ahensiya na "contained" lamang sa Middle East ang nangyayaring kaguluhan at walang direktang epekto sa Pilipinas.
Kasabay nito, siniguro rin ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda at nakaalerto ang kanilang buong pwersa sa anumang posibleng mangyari.
"So far, the conflict in the Middle East—and not only in the Middle East—involving our partners here ay wala pa namang nangyari.
"Huwag dapat mabahala ang ating mga kababayan para sa ganiyan na nangyayari. Of course, we are still on guard," ani PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa naganap na press briefing.
The post Balitang next target na ng Iran ang Pilipinas fake news – DND appeared first on Bandera.

No comments: