Kitty Duterte muling nakita si Digong sa The Hague: Natakot ako kasi medyo…

NAG-SHARE ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte tungkol sa muling pagbisita niya sa ama sa The Hague, Netherlands.
Nagbigay ng update si Kitty about her father na nakakulong pa rin sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano'y mga kaso niyang "crimes against humanity."
Kuwento ng dating presidential daughter, napansin niya ang panunuyo ng balat at labi ni Duterte sa huli niyang pagbisita rito kamakailan.
Sa interview sa kanya ng kilalang DDS at vlogger na si Alvin Sarzate o mas kilala bilang "Alvin & Tourism" sa The Hague, kahapon, March 2, inamin ni Kitty na ang unang pagbisita niya sa nakapiit na ama ang laging pinakamahirap.
"Like I always say, the first visit was always the hardest.
"I usually wait in the corridor mismo, so I wait for him there. Noong narinig ko agad 'yong pagbukas ng pinto tumakbo ako," pagbabahagi ng dalaga.
Sinabihan daw niya si Duterte na uminom lagi ng maraming tubig matapos niyang makita ang panunuyo ng lips at balat nito.
"He was okay but at first I noticed that he had dryer lips and skin than usual. That's why I imposed a rule today, kada iinom siya ng coke dapat may few sips of water.
"And then eventually, after he finished about three cups of water, nag-okay naman," chika pa niya.
Nag-alala rin daw ni Kitty nang makitang medyo mapula ang mata ng dating pangulo, "Natakot kasi ako kasi medyo mapula 'yong mata niya. So, sabi ko, baka dry. He just need hydration."
Kamakailan lamang ay isinagawa ng ICC ang limang araw na pagdinig hinggil sa confirmation of charges sa mga kasong kinakaharap ni Duterte.
Ayon sa ICC, may 60 days sila para pormal na ianunsyo ang kanilang desisyon base sa naganap na serye ng hearing sa confirmation of charges.
The post Kitty Duterte muling nakita si Digong sa The Hague: Natakot ako kasi medyo… appeared first on Bandera.

No comments: