BREAKING NEWS

Caprice Cayetano ido-donate parte ng P1-M na napanalunan sa PBB

Caprice Cayetano ido-donate parte ng P1-M na napanalunan sa PBB

IPINAKITA ng Kapuso actress na si Caprice Cayetano ang tunay na pagiging big winner matapos nitong ihayag na parte ng kanyang napanalunan ay ido-donate niya sa isang foundation.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story nitong Linggo, March 1, ibinahagi ng dalaga ang lubos na pasasalat sa lahat ng taong sumuporta sa kanyang journey sa loob ng Bahay Ni Kuya.

"Una sa lahat, hindi ko po inakala ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko rin po in-expect ang support na natatanggap ko ngayon, kaya sobra po akong nagpapasalamat. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!" saad ni Caprice.

Dagdag pa niya, "Nagpapasalamat po ako at ang buong pamilya ko. Thank you so much po sa love and support! Sobrang grateful po kami sa inyong lahat!"

Baka Bet Mo: Lella Ford, Caprice Cayetano itinanghal na Big Winners ng 'PBB Collab 2.0'

Bukod rito, nag-iwan rin ng mensahe si Caprice sa kapwa kabataang Pinoy.

"Sa lahat ng kabataang Pinoy, let's always look at the bright side of life!" sey ng Kapuso Big Winner.

Bukod kay Caprice, wagi rin bilang Kapamilya Big Winner si Lella Ford.

Itinanghal rin bilang 2nd Big Placers sina Heath Jornales [Kapuso] at Krystal Mejes [Kapamilya]; 3rd Big Placers Ashley Sarmiento [Kapuso] at Joaquin Arce [Kapamilya]; at 4th Big Placers sina Miguel Vergara [Kapamilya] at Princess Aaliyah [Kapuso].

Samantala, sa kanyang panayam sa "24 Oras Weekendl sinabi ni Caprice na ibibigay niya sa charity foundation ang bahagi ng isang milyon na kanyang napanalunan.

"Gusto ko po i-save and makapag help din po sa mga tao na nangangailangan. ang naisip ko pa talaga ay little ark foundation para sa mga bata po na nangangailangan non," sey ng dalaga.

The post Caprice Cayetano ido-donate parte ng P1-M na napanalunan sa PBB appeared first on Bandera.


Caprice Cayetano ido-donate parte ng P1-M na napanalunan sa PBB Caprice Cayetano ido-donate parte ng P1-M na napanalunan sa PBB Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close