BREAKING NEWS

Nikko Natividad pinatulog ng asawa sa kotse: Mahal na mahal ka ng Tatay, anak

Nikko Natividad pinatulog ng asawa sa kotse: Mahal na mahal ka ng Tatay, anak

KASABAY ng pag-trending sa social media, usap-usapan ang umano'y cryptic post ng sicial media personality na si Nikko Natividad.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya ang larawan ng bunsong anak na payapang natutulog.

"Mahal na mahal ka ng tatay anak. Hindi kita iiwan," panimula ni Nikko sa naturang post.

Ang kasunod na mga pahayag ng actor-comedian ay naging palaisipan sa netizens.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending

Sabi kasi ni Nikko, "Nasa kotse lang ako. Doon ako pinapatulog ng nanay mo."

Agad ngang nag-trending at kumalat ang screenshot ng naturang post ng dating Hashtags member.

Marami kasi ang nag-uugnay na baka ito Ang reaksyon ng kanyang misis na si Cielo Eusebio kaugnay ng viral scandal ni Nikko.

Ngunit base naman sa mga latest Facebook posts ng social media personality, mukhang unbothered ito tungkol sa pangyayari at sa katunayan ay nag-promote pa ito ng kanyang raket sa Pasay City.

Matatandaang bukod kay Nikko, nagulat ang madlang pipol matapos mag-trending ang tatlo pang male artists na sina Gil Cuerva, Aaron Villaflor, at Ron Angeles.

Samantala, wala pa namang pahayag ang mga ito hinggil sa kanila umanong sex scandal.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw nina Nikko, Gil, Aaron, at Ron hinggil sa isyu.

The post Nikko Natividad pinatulog ng asawa sa kotse: Mahal na mahal ka ng Tatay, anak appeared first on Bandera.


Nikko Natividad pinatulog ng asawa sa kotse: Mahal na mahal ka ng Tatay, anak Nikko Natividad pinatulog ng asawa sa kotse: Mahal na mahal ka ng Tatay, anak Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close