BREAKING NEWS

Park Bom may matinding pasabog, ginawang cover up sa drug abuse umano ni Sandara Park

Park Bom may matinding pasabog, ginawang cover up sa drug abuse umano ni Sandara Park

ISANG pasabog na rebelasyon ang ibinahagi ni Park Bom laban sa kapwa miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park kung saan iginiit niyang siya ang ginawang "scapegoat" upang pagtakpan ang umano'y isyu ng drug abuse ng kasamahan.

Sa isang handwritten letter na ibinandera niya sa Instagram ngayong March 3 binalikan niya ang naging controversial case noong 2010 kung saan inakusahan siyang nag-import ng ilegal na gamot sa South Korea.

Napaulat na nagpasok si Bom ng 82 tableta ng Adderall, isang gamot na may sangkap na amphetamine at dextroamphetamine na ginagamit para sa paggamot ng ADHD at narcolepsy.

Dahil mahigpit ang regulasyon ng naturang gamot sa South Korea, agad itong inimbestigahan ng mga awtoridad.

Ayon kay Bom, ito ay para sa kanyang medikal na gamutan, at kalaunan ay ibinasura rin ang kaso nang walang isinampang pormal na kaso laban sa kanya. Gayunpaman, muli itong naging laman ng balita makalipas ang ilang taon.

Baka Bet Mo: Park Bom time-out muna sa 2NE1 dahil sa health issues, agency humiling ng unawa

Saad ng Korean idol, "This is Park Bom. I'm writing to share the truth with you. Have you all been well? I am not sick and am working hard to live well. I'm about to talk about something sensitive and frightening.

"I am being cautious in case it causes uproar, but the medication Adderall, which is labeled as a psychotropic drug, weighs on my mind. I really didn't want to bring it up again."

Giit ni Bom, ang Adderall ay inireseta sa kanya para sa Attention Deficit Disorder (ADD).

Kasabay nito, inugnay niya si Sandara sa umano'y paggamit ng ilegal na droga at sinabing siya ang ginawang panakip-butas sa naturang isyu.

"It is not a druggie. I am an ADD patient, something called Attention Deficit Disorder. Sandara Park was caught for drug abuse, and to cover that up, they turned the medication into something labeled as a drug scandal involving me," lahad pa ni Bom.

"At the time, there wasn't even a specific medication system or law in this country regarding Adderall. Strangely, after [me], a law was created," dagdag pa niya.

Aniya, maaaring masira ang reputasyon niya sa pagbabandera ng totoo ngunit sinabi niyang nag-ipon siya ng lakas ng loob upang magsalita.

"To the citizens online, I sincerely ask that you please investigate the facts as they are. And lastly, what I truly want to say is this: YG Entertainment, Yang Hyun-suk, Teddy Park, and Lee Chae-rin [CL], please do not report to the authorities that [I] used more than the prescribed amount of a drug that you yourselves have not used even once in 30 years," sabi pa ni Bom.

Hirit pa niya, "I am writing this because it feels like my soul is crying. Thank you for reading."

Kalaunan ay nabura ang naturang liham mula sa kanyang Instagram account, ngunit mabilis itong na-reupload ng ilang netizens sa iba't ibang social media platforms.

Ayon sa ulat ng OSEN, isang source na malapit kay Bom ang nagsabing ang sulat ay "written out of [her] unstable condition," at humiling ng pang-unawa mula sa publiko.

"We became aware of the content just a moment ago. As you know, this occurred due to Park Bom's unstable health condition. We ask for your understanding," ayon naman sa source.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Sandara Park hinggil sa mga alegasyon. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Sandara.

Sina Bom at Sandara ay nag-debut bilang miyembro ng 2NE1, isang apat-na-miyembrong K-pop girl group na naging isa sa pinakamalalaking pangalan sa South Korea.

Si Bom ang pangunahing bokalista ng grupo, habang si Dara naman ang visual at bokalista.

Muling nagsama ang grupo sa Coachella Valley Music and Arts Festival noong 2022 at nagsagawa ng "Welcome Back" Asia tour makalipas ang dalawang taon.

Gayunpaman, ang "Flower" singer ay nasa indefinite hiatus mula Agosto 2025 dahil sa mga isyung pangkalusugan.

The post Park Bom may matinding pasabog, ginawang cover up sa drug abuse umano ni Sandara Park appeared first on Bandera.


Park Bom may matinding pasabog, ginawang cover up sa drug abuse umano ni Sandara Park Park Bom may matinding pasabog, ginawang cover up sa drug abuse umano ni Sandara Park Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close