BREAKING NEWS

Bong Suntay ‘nag-init’ kay Anne Curtis; binoldyak sa impeachment hearing

Bong Suntay 'nag-init' kay Anne Curtis; binoldyak sa impeachment hearing

HINDI pinalampas ng ilang mambabatas ang umano'y malisyong pahayag ni Quezon City Rep. Jesus "Bong" Suntay patungkol sa aktres at TV host na si Anne Curtis.

Nagdesisyon ang House Committee on Justice na tanggalin sa record ng impeachment proceeding ang sinabi ni Suntay na "nag-imagine" raw siya nang makita sa isang hotel si Anne.

Ginamit kasi niyang halimbawa ang pag-iimagine kay Anne nang magsalita siya sa pagtalakay ng komite sa ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, wala raw political destabilization o sedition nang sabihin ni VP Sara Duterte na siya ay isang "designated survivor".

Baka Bet Mo: Anne Curtis may natuklasan nang magpunta sa Siquijor, nakulam?

"You know, 'yung statement being the 'designated survivor,' it's not illegal, it's not criminal. In fact, it's a process in the United States.

"Mere utterance na I'm designating myself… in fact, hindi nga pwede 'yon, eh. Can you designate yourself without a process Sinabi lang niya 'yon, siguro nagpapatawa lang siya," paliwanag ni Suntay.

"Alam niyo minsan, nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na, nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano'ng pwedeng mangyari pero siyempre hanggang imagination na lang 'yon. 

"Pero 'di naman siguro ako pwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh," ang pahayag pa ng kongresista.

Kasunod nito, nagmosyon si San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora na tanggalin sa record ang pinagsasabi ni Suntay na sinang-ayunan din ni Manila Rep. Bienvenido Abante, Jr..

"I want that deleted from the record!" ani Abante.

Sabi naman ni Zamora, "With all due respect to my friend Congressman Bong Suntay, it is just the start of the Women's Month, and I don't think that we should be hearing such comments from our dear colleagues.

"We're not censuring anything, but we are reminding them that in fact, we should support women by not saying these statements…!nd things like this do not empower women," paliwanag ni Zamora.

Pero nanindigan si Suntay na walang ilegal o imoral sa kanyang pahayag, "There is nothing sexual du'n sa sinabi ko, nothing immoral, it's just, I said, may na-imagine ako, I think there is nothing wrong."

Ngunit hindi kinampihan ng komite si Suntay at tinanggal sa record ang mga naging pahayag niya patungkol kay Anne Curtis.

The post Bong Suntay 'nag-init' kay Anne Curtis; binoldyak sa impeachment hearing appeared first on Bandera.


Bong Suntay ‘nag-init’ kay Anne Curtis; binoldyak sa impeachment hearing Bong Suntay ‘nag-init’ kay Anne Curtis; binoldyak sa impeachment hearing Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close