BREAKING NEWS

Mommy Carol hangad ang world peace, suportado ni Juday sa lahat ng trip sa buhay

Mommy Carol hangad ang world peace, suportado ni Juday sa lahat ng trip sa buhay

"WORLD Peace," ang birthday wish ni Mommy Carol Santos sa kanyang nakaraang 80th party na ginanap sa Chef Jessie events place sa Makati City nitong Linggo, Marso 1.

Sumakto ang wish ng mommy nina Jeffrey, Jackie at Judy Ann Santos sa nangyayaring gulo ngayon sa Gitnang Silangan kung saan ay may kababayan tayong Pinay OFW ang nasawi.

Anyway, ang saya-saya ng legendary mom ni Juday dahil ang mga kaklase niya sa Paco Catholic School batch 1964 ay dumalo kabilang ang kanyang bff na si Mommy Amy Pascual na ina ng aktor na si Piolo Pascual.

Dumating din ang mga naging kaibigan ni mommy Carol sa Canada kung saan siya nagtrabaho nang mahigit na dalawang dekada at ilang personal showbiz friends.

Baka Bet Mo: Judy Ann Santos sa P500 Noche Buena: Na-degrade masyado ang mga tao

Sa edad na ito ni mommy Carol ang labis na ipinagpapasalamat ng magkakapatid na Jeffrey, Jackie at Juday dahil malakas at kung saan-saang bansa at parte ng Pilipinas pa nakakarating kapag ginusto nitong mamasyal at higit sa lahat, kinuha siyang endorser ng TGP Generics.

Kaya ang wish ni Judy Ann sa lakwatserang nanay niya, "Ma, my wish for you always of course your health.  Isa siguro si mommy sa maasasabi kong hindi mahirap papuntahin sa hospital (for check-up) malalaman na lang po namin kung anong room number kasi automatic magpapa-confine siya, so, please take very good care of yourself."

At gusto raw mag out of the country ni mommy Carol.

"Go, lang. We are here to grant whenever you want to go, whatever you want enjoy your life, kailan lang sab imo gusto mong mag Bangkok, gusto pang mag Vietnam, saka Brunei?"

Sabay pasalamat ng aktres sa mga dumalo, "thank you pong lahat sa mga nagpunta, makakauwi na po kayo (biro) ha, ha, ha. Thank you po I know Sunday most of the time is for rest and family time, thank you so much for coming."

Kumpleto rin ang mga apo ni mommy Carol kina Jeffrey (2), Jackie (3 at Juday (3) na nagbigay din ng kani-kanilang wishes sa lola nila na karamihang narinig namin ay, "we love you mama Ca and the food you cook for us.'

Sa totoo lang, napakasarap magluto ni mommy Carol kahit anong putahe pa 'yan kaya alam na kung kanino nagmana si Juday sa husay nitong pagluluto kaya kumuha siya ng culinary course na ngayon ay isa na siyang Chef.

Aminado naman ang aktres na bata palang siya ay inspirasyon na niya ang mga kapatid at nanay niya hanggang sa nagkapamilya na ay hindi nawala sa tabi niya ang in ana every Sunday ay family day nila at kapag umaalis ng bansa sina Juday at Ryan ay si mommy Carol ang bantay sa bahay nila kasama ang mga apo.

Kahit wala sa bansa si mommy ay hindi siya nagkulang sa tatlong anak dahil bugbog ito sa pangaral kaya lumaking maayos at matino sina Jeffrey, Jackie at Juday na ito rin ang ginagawa nilang pagpapalaki sa kanilang mga anak, marespeto, mababait at marunong makisama sa lahat ng uri ng tao.

Lalo na si Juday kaya nga bihirang tumanggap ng project dahil gusto niya hands on mom siya kina Yohan, Lucho at Luna na pati sa school activities ay kailangan present siya lagi hanggang sa ibang bansa kung saan may football game ang nag-iisang anak na lalaki.

At siyempre, present sa party ang every supportive husband of Judy Ann na si Ryan Agoncillo kasama ang magulang nito sab inga ng isa sa Eat Bulaga co-host na hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa mother in-law niya kapag tiningnan na siya.

In fairness, si mommy Carol ang unang niligawan ni Ryan noon at kinausap ng mga plano niya kapag ikinasal na sila.

Happy birthday mommy Carol!

The post Mommy Carol hangad ang world peace, suportado ni Juday sa lahat ng trip sa buhay appeared first on Bandera.


Mommy Carol hangad ang world peace, suportado ni Juday sa lahat ng trip sa buhay Mommy Carol hangad ang world peace, suportado ni Juday sa lahat ng trip sa buhay Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close