Kitty Duterte suportado pagtakbo ni VP Sara: Alam namin kaya niya

NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Kitty Duterte sa pagtakbo ng nakatatandang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa darating na 2028 national elections.
Sa naging panayam sa kanya ng vlogger na si "Alvin & Tourism", nitong Lunes, March 2, nausisa ang dalaga tungkol sa anunsyong pagtakbo ng kapatid.
"All of us are very proud. But also, there's this fear inkling for her, of course. She has children na bata pa. And you know, that makes all of us a target," saad ni Kitty.
Sa kabila ng takot para sa kanyang ate ay naniniwala naman siya na kaya itong harapin ng kapatid.
Baka Bet Mo: Kitty Duterte nangungulila pa rin kay Digong: I miss you, Papa!
"Alam namin kaya niya. Siya pa ba, 'di ba? Alam n'yo 'yong ugali ni VP Sara. Mas matapang pa 'yan sa tatay namin. Saka fighter talaga," sabi pa ni Kitty.
Para sa mga hindi aware, matatandaang inanunsyo ni VP Sara na handa siyang tumakbo sa pagkapresidente sa 2028 national elections.
"Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas," sey ng kapatid ni Kitty.
Sa kabila ng anunsyo ay wala pa namang sinasabi si VP Sara kung sino ang kanyang magiging runningmate.
The post Kitty Duterte suportado pagtakbo ni VP Sara: Alam namin kaya niya appeared first on Bandera.

No comments: