BREAKING NEWS

Gee Canlas hiwalay na kay Archie Alemania, ilang beses nagdasal sa Diyos

Gee Canlas hiwalay na kay Archie Alemania, ilang beses nagdasal sa Diyos

INAMIN ng aktres na si Gee Canlas na tuluyan na silang naghiwalay ng mister na si Archie Alemania.

Ito ay kinumpirma niya sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, March 3.

Lahad ni Gee, siya mismo ang nakipaghiwalay kay Archie matapos ang walong taon nila bilang mag-asawa.

Aniya, hindi naging madali para sa kanya ang pakikipaghiwalay at habang nasa proseso siya ay talagang tinimbang niya kung dapat pa bang ilaban o bitawan na ang kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Gee Canlas hiwalay na ba kay Archie Alemania? 'I'm choosing to love myself!'

Nausisa nga rin si Gee kung ano ang naging rason ng kanilang paghihiwalay at kung may kinalaman ba ang kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie noong April 2025.

"I don't think na it's one specific thing. It's not a black-and-white, one-plus-one kind of situation. Overtime, nag-accumulate yung mga bagay-bagay. So, it's a lot of pieces that eventually cause the demise of our marriage," lahad niya.

Pagpapatuloy ni Gee, noong mgacpanahong mainit na pinag-uusapan ang kaso laban sa kanyang asawa ay kinapitan niya ang kanyang pamilya.

"I stayed, I really tried to fight to keep my family together 'coz at that time, nasabihan ako na 'you have to be strong'. So, ang nangyari was, I really didn't have time to absorb it right away.

"Ang sa akin is, 'Okay, how do I save my family? How do I come through for my child? So, the whole time that was happening I lied low, kept my head down and just zeroed in on my family," sey ni Gee.

Sa tanong kung magpa-file ba ito ng annulment ng kanilang kasal ni Archie, sinabi niyang hindi pa ito ang kanyang priority sa dami ng kanyang iniisip.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyayari ay ang anak nilang si Caleb ang priority ni Gee.

Paliwanag niya: "Sa totoo lang, sobrang dami kong ano… what's on my plate, right now my plate is literally loaded, so hindi pa siya top of mind.

"What I can say is, ang first priority ko is Caleb. Ang first priority ko is creating a stable background for him," ani Gee.

Nang matanong kung may galit siyang nararamdaman sa asawa, hindi napigilan ng aktres na maiyak.

"I'm sad now because hindi mo naman ito pinaplano e… but I'm in the process right now of accepting what it is and 'yung galit, being human that you are, I would be fake if I tell you na, 'No, Tito Boy. Di ako nakaramdam [ng galit]'. But now it's like, wala na e," umiiyak na sabi ni Gee.

The post Gee Canlas hiwalay na kay Archie Alemania, ilang beses nagdasal sa Diyos appeared first on Bandera.


Gee Canlas hiwalay na kay Archie Alemania, ilang beses nagdasal sa Diyos Gee Canlas hiwalay na kay Archie Alemania, ilang beses nagdasal sa Diyos Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close