BREAKING NEWS

Boobay nag-collapse uli sa stage pero tuloy ang show nang magkamalay

Boobay nag-collapse uli sa stage pero tuloy ang show nang magkamalay
Boobay

MULING nag-collapse at nawalan ng malay ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay habang nagpe-perform on stage.

Nangyari ito nitong nagdaang Lunes, January 19, sa gitna ng kanyang performance sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro.

Base sa videl na kumalat sa social media, makikita ang komedyante na unti-unting natutumba sa stage hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay.

Sa simula pa lang ng video ay tila nahihilo na si Boobay at bago ang kanyang second song ay bigla na lamang siyang mapahinto hanggang sa bumagsak na nga siya sa entablado.

Mabilis naman siyang tinulungan ng mga medic at binuhat patungong backstage habang umakyat agad ang kaibigan at partner niya sa show na si Super Tekla. 

"Magiging okay yan. Part po yan ng ano ni Boobay, ng kanyang sakit. Tuluy-tuloy tayo, kaya nandito po ako to (substitute) and everything.

"Araw-araw nandiyan po ako para sa kanya," ang mensahe ni Tekla sa audience.

"Just relax, guys. Okay lang po yan. After five minutes babalik din po yan. Para yang computer, nagsa-shutdown siya sa sobrang gamit. Ayaw kasing magpahinga ng gaga," sabi pa ni Super Tekla.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik nga sa stage si Boobay para ituloy ang kanyang pagkanta na parang walang nangyari.

Pagbibiro ni Boobay kay Tekla, "Ito kasi, paano binanggit-banggit mo kasi si Lord kanina, ayan tuloy dumiretso ako.

"Bakla ka, dapat hindi mo binabanggit yon, ayan tuloy nangyari. Kasalanan mo yon," hirit ni Boobay sa kapwa Kapuso comedian.

Resbak naman sa kanya ni Tekla, "Nasisi pa ako. Hoy, ilabas mo si Boobay!"

Sagot ni Boobay, "Ito na lalabas na siya kasi kailangan niyang kantahin to. Kapag kasi hindi ko nakanta to, hindi kumpleto yung suweldo ko ngayong gabi."

Marami ang nag-alala kay Boobay dahil ilang beses na siyang nahihimatay sa stage kapag nagpe-perform. Narito ang ilang reaksyon ng netizens.

"Aanhin mo ang maraming pera kung may sakit ka naman. Health is wealth Boobay. Laging i-priority ang kalusugan."

"Nakakatakot kasi madalas siyang nagiging ganito. I hope magpahinga muna siya. Kailangan niya magpahinga at limitahan na lang muna yung mga kukuning event at projects."

"Boobay, magpahinga ka. Health is wealth. Make time to rest dahil maikli lang ang buhay."

"Noon pa siya ganyan e. Dapat nagpapahinga muna siya or don't take too much projects."

Unang nasaksihan ng publiko ang silent seizure ni Boobay sa live guesting niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong April 21, 2023.

Hinimatay din ang komedyante habang nagtatanghal sa 344th fiesta ng Aparri, Cagayan kung saan kasama naman niya ang kapwa comedian na si Pepita Curtis.

The post Boobay nag-collapse uli sa stage pero tuloy ang show nang magkamalay appeared first on Bandera.


Boobay nag-collapse uli sa stage pero tuloy ang show nang magkamalay Boobay nag-collapse uli sa stage pero tuloy ang show nang magkamalay Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close