BREAKING NEWS

Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’

Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’
PHOTO: Facebook/Melai Cantiveros

MASAKIT sa puso para kay Melai Cantiveros ang muling pag-uwi sa kanyang hometown sa General Santos City.

Nakita na kasi niya in-person ang lawak ng pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama kamakailan sa Mindanao.

Nagpunta ang actress-TV host sa kanilang lugar hindi lamang para kumustahin ang kanyang pamilya, kundi para na rin maghatid ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

“Kailangan kong umuwi para i-check din sina mama at mag-extend kami ng help sa abot lang ng makakaya ko, kasi hindi naman ako gobyerno para akuin lahat. Sa abot lang ng aking makakaya share ng help,” sey ni Melai.

Baka Bet Mo: Angel Locsin, Melai, Kim, Robi tumulong sa mga biktima ng lindol sa GenSan

Ibinahagi rin niya na hindi lang siya ang tumulong sa mga taga-GenSan dahil nakapagbigay rin umano ng ayuda ang ilan niyang kapwa-celebrities na sina Angel Locsin, Kim Chiu, Robi Domingo at Bianca Gonzalez.

Sa kanyang Instagram Stories, makikitang naglibot si Melai sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang makita mismo ang kalagayan ng mga residente. 

Ipinakita niya ang mga kalsada, kabahayan, establisyemento at maging mga simbahan na nagtamo ng matinding pinsala dahil sa pagyanig.

“Itong simbahan talagang nasira siya, ‘yung loob niya [kaya] hindi pwedeng palapitin [‘yung mga tao]. Kaya dito na ang misa sa labas,” aniya habang ipinapakita ang nasabing simbahan.

Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’
PHOTO: Instagram Stories/@mrandmrsfrancisco

Batay sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong June 16, umabot na sa 68 katao ang nasawi habang 33 pa ang nawawala matapos ang lindol na tumama sa Maasim, Sarangani sa Mindanao.

The post Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’ Melai umuwi sa GenSan matapos ang lindol: ‘Kailangan i-check sina mama at tumulong’ Reviewed by pinoyako on June 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close