Bimby Aquino nagbabalik ‘Eat Bulaga’, ibinandera hosting skills
MULING nagbabalik sa “Eat Bulaga” stage ang bunsong anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby Aquino at ibinandera ang namanang husay at galing sa pagho-host mula sa ina.
Nitong Huwebes, June 18, game na game siyang humataw sa kantang “Hawak Mo Ang Beat” habang papasok sa stage at mainit siyang tinanggap ng mga Dabarkads.
Matapos ang kanilang batian ng mga main hosts ng “Eat Bulaga” ay agad nausisa ni Bossing Vic si Bimby kung ready na ba siyang sumalang sa mga segment ng noontime program.
“Ready ka na ba kay Ryzza [Mae Dizon]?” pabirong sabi ni Bossing.
Baka Bet Mo: Ryzza Mae Dizon, Bimby nagpakilig sa Eat Bulaga, pak na pak bilang loveteam
“Oo nga no, na-miss ko nga si Ryzza,” sagot nama ni Bimby at hinanap ang actress-TV host.
Wala kasi si Ryzza sa “Eat Bulaga” dahil nasa Hong Kong trip pa ito bilang parte ng kanyang birthday celebration.
Matatandaang noong June 12 episode ng naturang programa ay sinorpresa ni Bimby si Ryzza na may handog pang mamahaling necklace mula sa Tiffany & Co.
Marami ang nagsasabi na mukhang ang dalawa ang magiging susunod na AlDub ng “Eat Bulaga”.
Ibinahagi naman sa official Facebook page ng TVJ ang isang clip ng pagho-host ni Bimby.
Agad itong umani ng samu’t-saring komento at papuri sa galing ng binata sa larangan ng hosting gaya ng kanyang ina.
“Dati tinutulugan kona ang Eat Bulaga after ng age is right ngaun parang bitin sa oras. Nabuhay na nman ang saya ng mga tanders .. Namiss ko ang Aldub now kina Ryzza Mae Dizon and Bimby.. more pa Eat Bulaga. More Saya di mauubusan ng pakulo,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “mana sa mommy malakas ang charisma sa audience . TVJ wag nyo nang pakawalan yan hahah gulat si Bossing andaming fans agad.”
“infairness si Bimby Aquino medyo may alam na sya sa harap ng camera at showbiz, maganda boses nya at pananalita, marunong maghost, may humor din sya, entertaining din though kailangan pa rin hasain at magkaroon ng experience para mas magrow pa sya. Cute nila ni Ryzza tignan. Thank you for this TVJ Eat Bulaga still really the best afternoon show in the world,” sabi naman ng isa.
Well, mukhang mabilis at mainit talaga ang pagtanggap ng publiko sa pagpasok ng binata sa showbiz kaya naman marami ang nagre-request na maging regular na ito sa “Eat Bulaga”.
The post Bimby Aquino nagbabalik ‘Eat Bulaga’, ibinandera hosting skills appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 19, 2026
Rating:

No comments: