Risa Hontiveros seryosong pinag-iisipan kung tatakbong presidente sa 2028
INAMIN ni Sen. Risa Hontiveros na kinokonsidera pa rin niyang tumakbo sa pagkapangulo sa darating na 2028 national elections.
Sa isinagawang press conference ngayong Biyernes, June 19, nagpasalamat ang senadora sa ikinasang programa ng Akbayan Partylist at iba pang grupo na may temang “Risa Na!” bilang pagbibigay suporta sa kanya para sa paparating na eleksyon.
“Maraming salamat sa mga nag-express ng ganoong confidence sa akin,” saad ni Hontiveros.
Pagpapatuloy niya, “I am seriously considering it, preparing for that possibility.”
Baka Bet Mo: Win Gatchalian sa pag-ship sa kanila ni Risa Hontiveros: Kinikilig din
Lahad ni Hontiveros, mahalagang makapili na sila ng mabuting kandidato para sa pagka-Pangulo na tanggap ng mga botante at mamamayang Pilipino.
“I think it is really necessary na magkaroon kami, from our ranks, ng strongest, best, most attractive, and hopeful offer sa ating mga kababayan at mga kapuwa botante,” sabi ng senadora.
Inaasahan naman ni Hontiveros na makakapagdesiayon na ang kanilang partido bago matapos ang 2026 o sa pagsisimula ng 2027.
“I am looking forward to that moment na end of this year or at the very-very latest sana [sa] first quarter next year, magkaisa kami sa aming ranks around whoever will emerge as the strongest contender.
“Magkaisa kami. There can be only one para my fighting chance then laban,” sey pa ni Hontiveros.
The post Risa Hontiveros seryosong pinag-iisipan kung tatakbong presidente sa 2028 appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 19, 2026
Rating:

No comments: