BREAKING NEWS

Robi Domingo tatay na, Maiqui Pineda isinilang na ‘newest housemate’ 

Robi Domingo tatay na, Maiqui Pineda isinilang na 'newest housemate' 

ISINILANG na ni Maiqui Pineda ang panganay na anak nila ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo.

Ibinandera ni Robi ang good news sa madlang pipol sa pamamagitan ng Instagram ngayong araw, June 1, 2026.

Sa kanyang FB post, tinawag niya ang first baby nila ng kanyang pinakamamahal na wifey na “newest housemate.”

Mapapanood sa short video na ibinahagi ng award-winning TV host si Maiqui na karga-karga ang kanilang baby habang tumutugtog ang theme song ng “Pinoy Big Brother.”

Baka Bet Mo: Robi Domingo kamag-anak ni BINI Stacey, paano?!

Bumuhos ang pagbati sa mag-asawa mula sa mga netizens at mga kapwa nila celebrities.

Mensahe ng Kapuso star na si Gabbi Garcia at co-host ni Robi sa “PBB”, “Congratulations, you guys!!!”

Pagbati ni Lea Salonga, “Waaaaaaah! Congratulations, you guys!!!”

Sey ni Kim Chiu, “Congratulations robi and maiqs!”

Komento ni Maja Salvador, “Congratulations Mommaa @maiqweeks and Daddy @iamrobidomingo.”

Post ng premyadong aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan, “Yaaaaayyyyy!!!! Congratulations, what a blessing!!”

Sey naman ni Jayda Avanzado, “Omggg!! Congratulations to you two, Kuya Robi! “

January, 2026 nang ihayag nina Robi at Maiqui sa publiko na magiging mommy at daddy na sila sa pamamagitan din ng social media.

The post Robi Domingo tatay na, Maiqui Pineda isinilang na ‘newest housemate’  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Robi Domingo tatay na, Maiqui Pineda isinilang na ‘newest housemate’  Robi Domingo tatay na, Maiqui Pineda isinilang na ‘newest housemate’  Reviewed by pinoyako on June 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close