BREAKING NEWS

QC balik-host ng Palarong Pambansa 2027 makalipas ang 60 taon!

QC balik-host ng Palarong Pambansa 2027 makalipas ang 60 taon!
PHOTO: Facebook/Quezon City Government

MATAPOS ang anim na dekadang paghihintay, muling magiging sentro ng pinakamalaking sporting event para sa mga kabataang atleta sa bansa ang Quezon City!

Opisyal nang idineklara ang lungsod bilang host ng ika-67 edisyon ng Palarong Pambansa na gaganapin sa taong 2027.

Pormal na tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang responsibilidad sa pagho-host mula kay Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. sa isinagawang ceremonial turnover sa closing ceremonies ng 2026 Palarong Pambansa.

Ayon kay Belmonte, espesyal ang pagbabalik ng Palaro sa lungsod dahil animnapung taon na ang nakalipas mula nang huli itong mag-host.

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: ‘Bahay Modernismo’ bagong heritage house museum sa QC

“The 2027 Palarong Pambansa is a full circle moment for our city. The last time that QC hosted the Palarong Pambansa was 1966, sixty years ago, coinciding with the inauguration of our Amoranto Stadium. Since then, our city has been home to some of the most defining moments in Philippine sports history,” sey ng alkalde.

Target umano ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng world-class na karanasan ang bawat student-athlete na makikilahok sa torneo sa susunod na taon.

“Quezon City knows what it means to host greatness. And this is the experience that we want every Palaro athlete to carry with them in 2027. A champions’ experience, the same feeling countless world-class athletes have known on our grounds,” dagdag pa ni Mayor Joy.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FQCGov%2Fposts%2Fpfbid02bMLCp6fFkG2vZ8JSS6xNqDbZzqGS9B733qM87RmUfzHzPVhGRizFsL91mX1Xu17Cl&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Bukod sa pagiging tahanan ng ilan sa mga makasaysayang sports venue sa bansa, ipinunto rin ni Belmonte na ang lokasyon ng QC ay nagsisilbing mahalagang daanan at tagpuan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon.

“We thrive in the fact that all roads lead to, and through, us. We are proud to be connected to every corner of this great archipelago. And we carry this affinity with us as we open our home for next year’s Palarong Pambansa,” saad pa niya.

Saksi naman sa turnover ng Palarong Pambansa banner sina Sonny Angara at Malcolm Garma.

Sa pagsisimula ng paghahanda para sa 2027 edition, hinihikayat ng QC Government ang mga QCitizens na makiisa sa pagtanggap at pagsuporta sa libu-libong atleta at delegado na darating mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang hosting turnover ay hudyat din ng pagbabalik ng Palarong Pambansa sa National Capital Region (NCR) apat na taon matapos itong idaos sa Marikina City noong 2023.

The post QC balik-host ng Palarong Pambansa 2027 makalipas ang 60 taon! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
QC balik-host ng Palarong Pambansa 2027 makalipas ang 60 taon! QC balik-host ng Palarong Pambansa 2027 makalipas ang 60 taon! Reviewed by pinoyako on June 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close