Jinggoy Estrada ibinuking alok ng minority: Abangan susunod na kabanata!
IBINUKING ni Sen. Jinggoy Estrada na ilang beses umano siyang inalok na lumipat sa Senate minority bloc para maabswelto sa plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman.
Bago tuluyang sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ngayong araw, June 1, nagsalita si Estradatungkol sa alok ng minorya.
Nagpa-presscon ang senador tungkol sa desisyon niyang manatili sa Senate majority bloc, kasabay ng pagtanggi sa in-offer sa kanya ng minority block.
“Maraming beses po akong inalok na talikuran ang independent majority bloc, kapalit ng pagbabasura sa aking kaso.
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada inisyuhan ng arrest warrant, HDO ng Sandiganbayan
“Ngunit, hindi ko po ito tinanggap. Mas nanaig ang paninindigan ko, na ako’y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority bloc,” saad ni Estrada.
Pagpapatuloy ng aktor at senador, “I stand my ground, ngayon kung tatanungin n’yo kung sino sila, abangan ninyo ang susunod na kabanata.”
Mariin din niyang sinabi na hindi lang daw tungkol sa personal niyang mga isyu at kaso ang kailangan niyang panindigan sa desisyon niyang tanggihan na umanib sa Senate minority.
“I stand my ground because what is at stake here goes far beyond my personal circumstances. What is at stake here is the independence of the Senate.
“This institution must never become vulnerable to external pressure,” sabi ni Estrada.
Ngayong araw nga ibinaba ng Sandiganbayan ang ikalawang arrest warrant laban kay Sen. Jinggoy para sa non-bailable plunder case niya kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Noong Biyernes, May 29, nagpiyansa ng P90,000 si Estrada para sa kasong graft na isinampa rin sa kaniya ng Ombudsman.
Pagtatanggol ni Esrada sa sarili, “Mariin kong itinatanggi ang mga paratang laban sa akin. Ang mga ito ay walang batayan at walang bahid ng katotohanan.
“I respect the rule of law and our judicial institutions, and this is precisely why I am posting bail and personally submitting myself to the jurisdiction of the Sandiganbayan,” aniya pa.
The post Jinggoy Estrada ibinuking alok ng minority: Abangan susunod na kabanata! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 01, 2026
Rating:

No comments: