Jonvic Remulla nakatikim ng mura, dirty finger sa anak ni Jinggoy Estrada
MINURA at binigyan umano ng dirty finger si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ng anak ni Sen. Jinggoy Estrada.
Ibinahagi ng Kalihim sa pagharap niya sa media ang ginawa raw sa kanya ng isang anak na babae ni Sen. Jinggoy nang arestuhin nila ang aktor at politiko nitong Lunes, June 1.
“There’s a slight altercation between me and his daughter. She gave me the dirty finger and cursed at me and I said, ‘It’s okay, I understand. You’re very emotional,’” ang pahayag ni Remulla.
Sa tanong kung kilala ba ng Kalihim kung sino ang tinutukoy niyang anak ni Estrada, “I don’t know which one.”
“But I said, ‘It’s okay.’ It was not personal, nagging personal lang ang lahat,” aniya pa.
Ipinagdiinan din ni Remulla na inaresto nila si Estrada kasabay ng pagkontra sa naging pahayag ng senador na siya ang sumuko sa mga otoridad.
Kasama ni Remulla ang mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagtungo sa Senado para arestuhin si Estrada.
Ito’y matapos ngang maglabas ng ikalawang arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay Estrada, kaugnay ng kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman. Ito ay isang non-bailable na kaso.
Nakatakdang ikulong si Estrada sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Nauna rito, inilantad ni Estrada sa kanyang presscon (bago sumuko sa CIDG), na ilang beses umano siyang inalok ng minority bloc na umanib sa kanila kapalit ng pagkaabswelto sa kanyang mga kaso.
“Maraming beses po akong inalok na talikuran ang independent majority bloc, kapalit ng pagbabasura sa aking kaso.
“Ngunit, hindi ko po ito tinanggap. Mas nanaig ang paninindigan ko, na ako’y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority bloc,” sabi ni Estrada.
“I stand my ground, ngayon kung tatanungin n’yo kung sino sila, abangan ninyo ang susunod na kabanata,” sabi pa niya.
The post Jonvic Remulla nakatikim ng mura, dirty finger sa anak ni Jinggoy Estrada appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 01, 2026
Rating:

No comments: