Rayver Cruz: Mahal na mahal ko si Julie, gagawin ko lahat para sa kanya
SURE na sure na ang Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz na si Julie Anne San Jose na ang gusto niyang pakasalan at makasama forever.
Isa sa palagi niyang ipinagdarasal ay ang relasyon nila ng Asia’s Limitless Star – na sana’y palagi silang i-bless at maging panghabangbuhay na ang kanilang pagmamahalan.
Nakachikahan ng BANDERA sina Rayver at Julie after ng mediacon ng “The Clash Teens” last May 26 at napag-usapan nga ang kanilang future plans, kabilang na ang kanilang paglagay sa tahimik.
Sey ni Rayver, “Napag-uusapan naman yun. Siyempre, kapag pinlano yun, kailangan maganda talaga, okay for the future.
“And one thing na masasabi ko lang talaga is, for me, personally, hindi naman naging matagal na matagal to this point.
“Talagang alam naman natin na doon papunta. Pero siguro yung mga plans, baka sa akin na lang din muna. Paano pa siya masu-surprise kung ganu’n?” aniya pa.
Ang masisiguro lang daw sa ngayon ni Rayver ay si Julie Anne na ang babaeng gusto niyang makasama sa habangbuhay at nakikita na niya ang sarili na magkapamilya.
“Siyempre, maraming kailangan tanungin. Of course, yung respect ko sa parents niya siyempre, kailangan. Basta for me, si Julie na yung gusto ko makasama habambuhay,” ani Rayver na ikinakilig naman ni Julie.
Paniniguro pa ni Rayver, “Basta kung anuman yung mangyari, mahal na mahal ko si Julie. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Alam naman niya yun.
“Yung sinasabi na wala akong time sa kanya, imposible yun, kasi siya na lang ang natitirang babae sa buhay ko. Totoo naman,” aniya pa.
Samantala, malaki ang naging bahagi ng “The Clash” sa relasyon nina Julie Anne at Rayver Cruz.
Ani Julie, “Every season kasi iba-iba, e. Parang ang dami rin naming nabuo na memories. You know, from being friends to lovers.
“Saka ano, I’m very happy to again share the stage with Ray when it comes to hosting. Parang wala kasi talagang… there was never, like, a dull moment pagka kasama ko siya.
“Kasi, masaya talagang tao si Ray. At saka kapag masaya, siyempre masaya din lahat sa trabaho, di ba?” dagdag ng actress-singer.
Ang pagkakaiba lang daw sa 8th season ng “The Clash” ay mga teens edad 14 hanggang 19 ang mga maglalaban-laban na clashers.
Aside from this, may ibang members na rin ang Clash Panel dahil wala na sina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha. Ang natira lang na original judge ay si Christian Bautista.
Ang mga bagong members ng Clash Panel ay ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at si BGYO JL.
Magsisimula na ang “The Clash Teens” sa June 7 sa GMA 7.
The post Rayver Cruz: Mahal na mahal ko si Julie, gagawin ko lahat para sa kanya appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 31, 2026
Rating:

No comments: