BREAKING NEWS

Joshua Garcia humugot: Mahirap makahanap ng pagkakatiwalaan mo sa showbiz

Joshua Garcia humugot: Mahirap makahanap ng pagkakatiwalaan mo sa showbiz
Joshua Garcia

SA loob ng 17 taon sa mundo ng showbiz, marami nang natutunan si Star Magic leading man Joshua Garcia

Ilang beses nang napatunayan ni Joshua ang kanyang versatility as an actor sa mga ginawa niyang teleserye at pelikula kung saan iba’t ibang karakter ang kanyang binigyang-buhay.

Sa ginanap na Star Magic Spotlight PressCon last May 21, sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN, ibinahagi ng aktor ang mga mahahalagang life lessons at insights na kanyang nakuha habang ikinukuwento ang kanyang karanasan sa pagsu-shoot ng teleserye nila ni Ivana Alawi na “Love is Never Gone.”

Ibinahagi ni Joshua ang kanyang excitement sa bagong proyekto, at itinuturing niya itong bagong oportunidad para matuto. 

“Bago ko gawin yun (Love is Never Gone), I’m really excited to do it talaga. Working with Ivana and working again with Direk Manny Palo, tapos sa Morocco pa (kinunan). 

“Gusto ko kasi kapag nag-shoot kami sa ibang bansa, you get to play and work at the same time. Pwede kang gumala, ma-experience mo yung culture ng ibang bansa,” pagse-share ni Joshua.

Aminado ang aktor na may mga pagkakataong kailangan pa rin niyang mag-adjust sa labas ng kanyang comfort zone. 

Nilinaw ni Joshua na ang mga external factors sa Morocco ang nagsilbing bagong hamon sa kanilang production.

“Siguro yung challenging lang du’n, minsan siyempre may tumitingin sa camera, du’n kami na-challenge. Hindi kami sanay sa kung paano yung mga tao du’n, of course ibang-iba sila sa atin, may ibang kultura silang sinusunod du’n,” pagbabahagi ni Joshua.

Para sa kanya, ang bawat shoot ay isang aral sa disiplina at pag-adapt, lalo na sa gitna ng pressure, “Dito (sa Pilipinas) pwede kang magkamali, du’n parang ang hirap magkamali.

“Kasi parang ang limited lang ng time n’yo, ang dami pang nangyayari sa paligid mo, ta’s di ka pa familiar sa lugar,” katwiran niya.

Sa 17 years sa industriya, pinakamahalagang baon kay Joshua ang mga tunay na koneksyon at relasyong nabubuo sa set. 

“Every show na ginagawa ko, mas yung memories and mga tao yung binabaon ko, eh. Ang hirap makahanap ng pinagkakatiwalaan mo sa industriya, and ito mga taong to, nandiyan para sa ’yo, suportahan ka.

“I think yung memories namin yung binabaon ko sa mga susunod kong show,” pahayag ng aktor.

Naniniwala si Joshua na ang pagtatagal sa industriya ay nakadepende rin sa lalim ng samahan sa set.

“Ang tagal n’yong magsasama, hindi mo masasabing work is work lang. Ang ganda nung makapagcreate ka ng relationship with someone din ‘di ba?” saad pa niya.

The post Joshua Garcia humugot: Mahirap makahanap ng pagkakatiwalaan mo sa showbiz appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Joshua Garcia humugot: Mahirap makahanap ng pagkakatiwalaan mo sa showbiz Joshua Garcia humugot: Mahirap makahanap ng pagkakatiwalaan mo sa showbiz Reviewed by pinoyako on May 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close