Fyang Smith, JM Ibarra certified box-office stars na: Hindi namin in-expect
MAITUTURING na rin ngayong box-office stars sina JM Ibarra at Fyang Smith after ng phenomenal run ng kanilang pelikulang “Almost Us.”
Todo ang pasasalamat ng Kapamilya loveteam sa kanilang mga supporters na talagang sumugod sa mga sinehan para panoorin ang kanilang successful silver screen debut.
Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling miyembro ng entertainment media sina JM at Fyang sa naganap na Star Magic Spotlight Press Conference kamakailan.
Nag-reflect ang dalawa sa kanilang transition mula sa pagiging digital stars hanggang maging box-office hitmakers.
Pareho nilang inamin na mas nangingibabaw ang initial pressure kaysa sa pag-focus sa box-office numbers sa success ng kanilang first movie mula sa Regal Entertainment.
“Wala kaming expectation habang ginagawa yung film, mas lamang yung pressure. Ginagawa namin siya hanggang matapos nang wala kaming ine-expect,” lahad ni JM.
Sabi naman ni Fyang, “Kapag first film mo, kakabahan ka talaga. Kami nung time na pinagusapan namin, sobrang nappressure kami kasi ang daming expectations.
“Hindi kami masyadong nageexpect na yung gross niya talaga is umabot sa ganyan kalaking halaga,” dagdag pa ng aktres.
Ang transition mula sa kanilang series na “Ghosting” hanggang first movie na “Almost Us” kinailangan ng dalawa na iwan ang kanilang lighter persona para mas magampanan ang mabibigat at mas komplikadong karakter.
“Siguro mas malalim si RR (karakter niya sa Almost Us). Yung lalim niya mas complicated siya kumpara sa dalawang characters na pinlay ko sa Ghosting, kaya challenging. Na-realize ko yung difference ng film acting at TV acting,” sabi ni JM.
“Si Bulots (Fyang) kasi meron siyang hugot, meron siyang lalim na hindi mo makikita kay Janine sa Ghosting, so mas nachallenge ako. Yung character kasi ni Janine (role sa Ghosting) happy-happy lang siya, ang pinoproblema niya lang lagi lovelife.
“Si Bulots kasi, malaki yung pressure sa kanya pagdating sa pag-aaral, kasi yung mommy niya is attorney, and gusto ng mama niya same sila maging attorney,” lahad ni Fyang.
Malaki ang pasasalamat ng JMFyang sa kanilang breakthrough performances dahil sa gabay ng critically acclaimed director na si Dan Villegas.
“Hindi siya typical na workshop. Ang sinabi lang niya sa akin nun: JM halatang ginagalingan mo, wag mo galingan. Doon ko narealize yung difference ng film,” sabi ni JM.
“Up until now, dala ko parin yung sinabi ni Direk Dan. Every time na may breakdown moments, think about one box.
“And then every box, meron siyang mga memories. Kumuha ka ng isang box, pag nakuha mo yung isang box na yun, after mo makuha yung emosyon na yun, iclose mo ulit, para makamove-on ka,” sabi pa ni Fyang.
Dahil sa kanilang matinding chemistry, box-office power, at bagong nahanap na artistic depth, opisyal nang selyado ang pwesto nina JM Ibarra at Fyang Smith bilang bagong formidable pair na dapat abangan sa Philippine cinema.
The post Fyang Smith, JM Ibarra certified box-office stars na: Hindi namin in-expect appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 31, 2026
Rating:

No comments: