Daniel Padilla ibinandera pagmamahal kay Kaila: Its just is, and we just are!
IBINANDERA ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang wagas na pagmamahal kay Kaila Estrada.
Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang pag-flex ni Daniel sa kanyang rumored girlfriend sa pamamagitan ng social media.
Sa kanyang Instagram page, nagbahagi si DJ ng mga litrato at isa nga rito ang photo ni Kaila na nakaupo sa loob ng isang golf cart at kuha sa isang malawak na golf course.
Nakasuot ang aktres ng hat at shades na nakaharap sa camera habang nakangiti.
“There is no ifs, woulds, coulds, shoulds. Its just is. And we just are,” ang nakasulat sa caption ni Daniel.
Mababasa naman sa comments section ang tila pangangantiyaw ng half-brother ni Kaila na si Luigi Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Janice De Belen, na nanay naman ni Kaila.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Kaila ay anak nina Janice at dati nitong mister na si John Estrada.
Komento ni Luigi, “Yung isa panay gallery,” with matching laughing emoji.
Hirit na reply naman sa kanya ni Daniel, “HAHAHAHAHAHAHAHA!” Nag-comment din si Kaila ng “face with tears of joy” emoji.
Kung matatandaan, si Luigi ang tila nagkumpirma sa estado ng relasyon nina Daniel at Kaila matapos niyang tawaging “bayaw” ang aktor.
Pero hanggang ngayon nga ay hindi pa rin umaamin nang diretsahan ang dalawang Kapamilya stars tungkol sa kanilang relasyon.
Nagsimulang maging close sina Daniel at Kaila noong 2025, nang magsama sila sa teleseryeng “Incognito.”
Si Daniel ay ex-boyfriend ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo na nali-link naman ngayon kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
The post Daniel Padilla ibinandera pagmamahal kay Kaila: Its just is, and we just are! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 31, 2026
Rating:

No comments: