BREAKING NEWS

Badjao Girl Rita Gaviola ikinasal na sa non-showbiz partner: Mrs. Ong na ‘ko!

Badjao Girl Rita Gaviola ikinasal na sa non-showbiz partner: Mrs. Ong na 'ko!
Rita Gaviola at Jeric Ong

NAGPAKASAL na ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Rita Gaviola sa kanyang non-showbiz partner na si Jeric Ong.

Ibinandera ni Rita, na naunang nakilala at sumikat bilang “Badjao Girl,” sa social media ang good news ngayong araw, May 31.

Mapapanood ang ilang kagapanan sa wedding nila ni Jeric sa ipinost niyang same-day edit video sa kanyang Facebook account.

Naganap ang kasal ng mag-partner sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa Quezon City.

Mula sa seremonya ng kasalan, ginanap naman ang reception sa Artan Garden sa Novaliches.

Mababasa sa caption na isinulat ni Rita sa kanyang FB post, “Mrs. Ong nako thank you much po sa lahat ng naging parte sa mahalangang araw nato.”

Ang white sleeveless gown na isinuot ni Rita sa kasal ay ginawa ni Julie Villapaz, habang ang nag-makeup naman sa kanya ay si Vanessa Antipas.

“The best thing that happened in my life!” ang mensahe pa ni Rita sa isa pa niyang Facebook post.

October 30, 2023 nang ibalita ng dating housemate ni Big Brother ang engagement nila ni Jeric sa pamamagitan ng Instagram.

“This is it,” ang sabi ni Rita sa caption kalakip ang photo ni Jeric habang nakaluhod sa kanyang harapan hawak ang engagement ring. 

The announcement came more than a year after Rita revealed that she and Jeric had welcomed a child together.

Kung matatandaan, sumikat si Rita nang mag-viral ang kanyang litrato sa social media habang namamalimos sa mga nagse-celebrate ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon, noong May, 2016.

Kasunod nito, nasilayan na nga siya sa telebisyon nang mapili bilang housemate sa “Pinoy Big Brother 7: Teen Edition” kung saan si Maymay Entrata ang nanalong Big Winner.

Sumali rin siya sa segment noon ng “It’s Showtime” na “Sexy Babe” at naging winner for the day noong February 17, 2022.

The post Badjao Girl Rita Gaviola ikinasal na sa non-showbiz partner: Mrs. Ong na ‘ko! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Badjao Girl Rita Gaviola ikinasal na sa non-showbiz partner: Mrs. Ong na ‘ko! Badjao Girl Rita Gaviola ikinasal na sa non-showbiz partner: Mrs. Ong na ‘ko! Reviewed by pinoyako on May 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close