BREAKING NEWS

Sharlene San Pedro nanggigil sa bagong babayaran sa NAIA: ‘Ano ito?!’

Sharlene chinika kung paano pinaghirapan, pinagipunan ang nabiling 1st car
PHOTO: Instagram/@sharlenesanpedro1

BILIB kami sa tapang ni Sharlene San Pedro dahil na-call out niya ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa panibagong babayaran na naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Sa kanyang Facebook account noong May 29, ibinandera niya ang kanyang saloobin tungkol sa bagong babayarang P480 ng mga lalabas at pabalik ng bansa habang naglalaro sa kanyang desktop ng Mobile Legend.

Proposal na ito ng Bureau of Immigration (BI) ay pondo para sa proyekto ng Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS), isang public-private partnership (PPP) na naglalayong gawing moderno ang seguridad sa hangganan sa 11 internasyonal na paliparan, isang daungan, at mga mobile na istasyon ng hangganan. 

Ang sistema ay mag-a-upgrade sa pamamahala ng hangganan sa mga teknolohiyang tulad nito.

Baka Bet Mo: Sharlene San Pedro binengga bashers ng BINI sa paglafang ng street food

Para sa upgrade ng system para seguridad, mga biometric system at automated na self-service na e-gate, Advanced Passenger Information System (APIS) para sa pre-screening na mga manlalakbay. 

Real-time na pagtatasa ng panganib at mga tool sa screening ng manlalakbay.

Dagdag pahirap na naman ito para sa netizens dahil nagbabayad na nga ng travel tax na nagkakahalaga ng P1,620 para sa economy, P2,700 for business class, at kapag minor ay magbabayad din ng P810 economy at P1,350 business class, edad 2 taon lang ang libre.

Kaya naman, hindi napigilan ni Sharlene na tumalak habang abala sa paglalaro.

“Ano ito, bakit magtsa-charge ang immigration ng P480 per passenger? E, ‘di ba nagbabayad na ng travel tax pag aalis? Ang dami ninyong pinababayaran sa amin? Hindi naman maayos-ayos ang gobyerno!” pasigaw na sabi nito.

Hirit pa, “Hindi bale sana kung maayos, e, magbabayad talaga (kami). Nakakaiirita, kung alam n’yo lang kung magkano ang binabayaran namin taun-taon sa tax na ‘yan kaya talagang nakakabuwisit.  Nakakabuwisit na ganito ang Pilipinas.”

Nabanggit din ang ang mga binibili na lahat na lang may tax at i-check ang mga resibo.

“Kaya matuto kayong tumingin-tingin sa mga resibong binabayaran n’yo may tax din doon, nagbabayad din kayo hindi n’yo lang alam, tapos nzgse-settle kayo sa bare minimum mga leche!” gigil na sambit ni Sharlene.

Kaya sa 2028 election ay sana pumili ng tamang taong iuupo sa gobyerno.

“Bumoto kayo sa susunod na eleksyon sinasabi ko sa inyo, ano ba ang daming binabayaran!  Sobrang dami!  Pati dito sa code M lalagyan na ng tax ang CP,” saad pa.

Ang sabi ng aktres ay lalagyan na ng 12% tax ang mga gaming credits sa tulad ng CP o cellphone na ginagamit sa paglalaro.

“Punyemas na buhay ‘to! Di ba kayo nababahala, ‘yung mga bumoboto diyan hindi kayo nababahala?  ‘Yung mga nagu-upo pa rin ng government officials, nag-uupo kayo ng mga senador, mayor kung sinuman, congressmen, governor tapos hindi maayos sa lugar ninyo, bakit kayo pumapayag?” paalala pa ni Sharlene.

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fx.com%2Fjhosooyah%2Fstatus%2F2060359616664576355%3Fs%3D20%26fbclid%3DIwZXh0bgNhZW0CMTEAc3J0YwZhcHBfaWQPNDM3NjI2MzE2OTczNzg4AAEeIO5MibSegUjQUPGgroNu47Dv07PrNbWvKvzK14BjSQ0_-BioAhLftcedvzE_aem_Q3lOzJY8_gJV94PEUbdKTQ&h=AUC2xTKuV3NYn4kC2kLw95NIGT7JGk7p45A_770GS0HjN2i97FooqNAvCV3A45XHY3LDIbD95S8is7BcSjXnm4R1Sv1LvSANwhPUCNDBGoulj2q82NZ2JJo1WSr6o9M&s=1

Nasambit din ng dalaga na sa isang kilo o isang kabang bigas ay maraming botante na ang tumatanggap kapalit ng kanilang boto.

“Pumapayag kayo sa isang kilong bigas, sa isang kaban na bigas? Bakit kayo pumapayag? Tuwing eleksyon lang kayo naalala ng mga ‘yan!  Real talk lang. Mag research kayo sa iboboto n’yo hindi ‘yung boto lang kayo ng boto!”aniya. 

Samantala, ang FB post na itoni Sharlene noong May 29 ay nawala na at ilang beses naming tsinek pero wala na talaga, pero may nakapag download na netizen at pinost sa X account na umabot na sa kulang 300,000 views at 4,100 retweet.

The post Sharlene San Pedro nanggigil sa bagong babayaran sa NAIA: ‘Ano ito?!’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Sharlene San Pedro nanggigil sa bagong babayaran sa NAIA: ‘Ano ito?!’ Sharlene San Pedro nanggigil sa bagong babayaran sa NAIA: ‘Ano ito?!’ Reviewed by pinoyako on May 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close