BREAKING NEWS

‘Francisco’ magiging typhoon na; magpapaulan sa Bicol Region, Eastern Visayas

‘Francisco’ magiging typhoon na; magpapaulan sa Bicol Region, Eastern Visayas
PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA

INAASAHANG magiging isang typhoon ang bagyong Francisco anumang oras ngayong araw, June 21.

Ibinalita ito mismo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa weather report nila ngayong 11:00 a.m.

Huli itong namataan sa distansyang 1,170 kilometers silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas na hanging 110 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 135 kph.

Baka Bet Mo: 13 bagyo papasok sa Pilipinas kasabay ng El Niño – PAGASA

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 25 kph papunta sa hilaga.

Nabanggit din sa report ng weather bureau na kung sakaling magtuloy-tuloy ang direksyon ng bagyo ay posible itong lumapit sa Extreme Northern Luzon.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FPAGASA.DOST.GOV.PH%2Fposts%2Fpfbid0eRaJLBvE7BEXXwAn1s1jaFbRrAMwn7jYEMMPLrB1QSPneh8Jeaqozut7CFYfG8JXl&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Dahil sa “trough” o buntot ng bagyo, mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Kaya babala ng PAGASA mag-ingat at maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.

May epekto naman ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na magdadala ng mga ulan sa Mindanao, natitirang lugar ng Visayas, at Palawan.

May panaka-nakang pag-ulan naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Localized Thunderstorms.

The post ‘Francisco’ magiging typhoon na; magpapaulan sa Bicol Region, Eastern Visayas appeared first on Bandera.


Uploaded Image
‘Francisco’ magiging typhoon na; magpapaulan sa Bicol Region, Eastern Visayas ‘Francisco’ magiging typhoon na; magpapaulan sa Bicol Region, Eastern Visayas Reviewed by pinoyako on June 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close