Iza Calzado kung mag-aartista ang anak: Whatever she’s comfortable with
SINAGOT na ng batikang aktres na si Iza Calzado ang matagal nang tanong kung magso-showbiz ba ang anak niyang si Deia.
Para sa celebrity mom, hindi minamadali ang anumang desisyon pagdating sa kinabukasan ng kanyang anak, lalo na kung usapang showbiz ang pag-uusapan.
Sa panayam kasama ang BANDERA sa naganap na Smart Yale Home launch event sa Wilcon Depot Balintawak, diretsahan ang sagot ni Iza kung mag-aartista si Deia.
“In some ways, because of content creation and we have brand partners, it’s obvious that she’s already entered a bit. There’s some performance in a certain way,” kwento ni Iza.
Baka Bet Mo: Iza Calzado doble ingat nang maging ina; may 3 ‘bodyguards’ sa bahay
Aminado ang aktres na kahit bata pa ang anak, may mga pagkakataon na exposed na ito sa camera at creative environment.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid038For6bkpueyPKqLkvBetGZRa3EaZN811gpNAgyhAq8388KrfQiwedzDXBbz4oi36l&show_text=true&width=500" width="500" height="646" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Pero nilinaw niya na iba pa rin ang tunay na pagpasok sa showbiz industry.
“But iba pa kasi ‘yung fall on. So I think one step at a time. Whatever she’s comfortable with,” dagdag niya.
Pagdating naman sa personalidad ng anak, ibinunyag ni Iza na unti-unti nang nakikita ang pagiging expressive ni Deia.
“Yeah, she’s kikay. I think she’s entering that phase where she wants to wear dresses,” pagmamalaki ng aktres.
“Pero hindi naman din super kikay. Sakto lang. She likes princesses. I’m just going with it. Nae-enjoy ko,” ani ng celebrity mom.
Samantala, sa parehong event kung saan siya nakapanayam, ibinahagi rin ni Iza ang kanyang pananaw tungkol sa modernong pamumuhay at seguridad sa tahanan, na aniya ay isa sa mga pangunahing prioridad niya bilang ina.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang Smart Yale Home Pop-up Booth sa Wilcon Depot Balintawak hanggang June 30, kung saan tampok ang iba’t ibang smart home security solutions at limited-time offers para sa mga interesadong homeowners na gustong matuto tungkol sa modernong home protection.
The post Iza Calzado kung mag-aartista ang anak: Whatever she’s comfortable with appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 20, 2026
Rating:

No comments: