BREAKING NEWS

Wendell Ramos natuksong tanggapin mga indecent proposals?

Wendell Ramos natuksong tanggapin indecent proposal?

AMINADO ang aktor na si Wendell Ramos na minsan na rin siyang nakatanggap ng indecent proposals noong peak ng kanyang karera.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, May 28, ainabi niyang maraming nagpapadala sa kanya ng mga offer na nakakatuksong tanggapin dahil sa presyo.

“A lot. […] Hindi mo alam kung seryoso ba, Tito Boy!” sagot ni Wendell.

Pagpapatuliy niya, “But it’s kind of flattering kasi parang ‘Wow! ‘Yong mga inaalok nila…parang puwedeng tamarin ka na, maging reason para tamarin ka nang mag-work.”

Baka Bet Mo: Maui Taylor ibinandera larawan kasama si Wendell, sinupalpal basher na puro ‘bembang’

Chika pa ni Wendell, may mga offer pa sa kanya na mga sasakyan, bahay, at pera na aabot ng milyon-milyon.

Amin ng aktor, hindi naman siya hipokrito dahil minsan ay nakaka-tempt rin ang mga nakakalokang offer sa kanya.

“Hindi ko sinasabing perpekto ako, Tito Boy. Pero puwede kang kainin ng situation. Puwedeng maging reason ng downfall mo sa work mo,” sey ni Wendell.

Ngunit proud naman ang aktor dahil naiahon niya ang kanyang pamilya sa kanyang pagsisikap at pati na rin sa gabay ng Diyos.

The post Wendell Ramos natuksong tanggapin mga indecent proposals? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Wendell Ramos natuksong tanggapin mga indecent proposals? Wendell Ramos natuksong tanggapin mga indecent proposals? Reviewed by pinoyako on May 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close