BREAKING NEWS

‘Vibe’ ng TV5 may malaking utang sa food supplier, how true?

'Vibe' ng TV5 may malaking utang sa food supplier, how true?

AWARE kaya ang bossing ng programang “Vibe” sa TV5 na may malaking balanse sila sa food supplier nila?

Matagal na itong nakuwento sa amin ng food supplier ng naturang programa na dati raw ay nakakabayad naman tuwing kinsenas at katapusan dahil iyon ang usapan hanggang sa umabot ng isang buwan at nangakong magbabayad na.

“February pa nagsabi magbabayad, anong pets ana, katapusan na ng Mayo, wala pa rin, Umabot na sa mahigit P400,000 ang utang, e, malaking halaga ito para sa maliit na nagne-negosyong tulad namin dahil pinaiikot lang namin ‘yung kita ng kainan sa araw-araw,” sabi ng food supplier ng programang “Vibe”.

Baka Bet Mo: Wendell Ramos natuksong tanggapin indecent proposal?

Ayon pa ay kausap daw lagi ang staff ng Vibe at nagsabing pina-follow-up naman daw sa finance pero laging wala pang tseke ang katwiran.

Sa madaling salita sa finance department ang may problema?

Anyway, nagpaalam kami sa supplier kung gusto nilang ipaalam ko sa programa at isulat ang isyung ito at sinabihan kami ng, “okay lang, ang tagal na naming naghihintay, eh.  ‘Yung suweldo nga ng mga tao na-compromise na dahil wala silang nasisingil.”

Bukas ang BANDERA sa panig ng programang Vibe tungkol sa isyung ito.

The post ‘Vibe’ ng TV5 may malaking utang sa food supplier, how true? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
‘Vibe’ ng TV5 may malaking utang sa food supplier, how true? ‘Vibe’ ng TV5 may malaking utang sa food supplier, how true? Reviewed by pinoyako on May 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close