BREAKING NEWS

Alfred Vargas gumuho ang mundo nang mabasura kaso vs Rob Sy

Alfred Vargas gumuho ang mundo nang mabasura kaso vs Rob Sy

EMOSYONAL ang naging pahayag ng actor-politician na si Alfred Vargas matapos lumabas ang desisyon ng korte hinggil sa kasong isinampa nila kay Rob Sy na ama ng umano’y nambully sa kanilang anak.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Sabado, May 30, inihayag niyang nalungkot at nadismaya siya matapos mabasa ang naturang desisyon.

“Aaminin ko na nanlumo ako pagkabasa ko ng desisyon. Parang gumuho ang mundo ko. Naawa ako sa aking mga anak. Nahiya ako sa kanila. I felt like I failed them as a parent,” saad ni Alfred.

Aniya, nangamba siya para sa kapakanan ng anak laban sa mga bully at pakiramdam niya ay wala silang matakbuhan.

Baka Bet Mo: Kasong isinampa ni Alfred Vargas laban kay Rob Sy ibinasura ng korte

“Wala na ba kaming matatakbuhan? Wala na bang tutulong sa anak kong biniktima ng paulit-ulit na bullying?” pagpapatuloy ni Alfred.

Lahad pa ng actor-politician, pitong taon lang ang anak niya at nakaranas na agad ito ng paulit-ulit na pananakit at trauma.

Sey pa ni Alfred, “Seven years old lang ang anak ko. Sinaktan siya ng paulit-ulit, binigyan ng trauma, namiligro ang buhay niya, ipinahiya sa harap ng maraming tao. Sinira ang kaniyang dignidad.

“Tapos sasabihin na ‘away bata’ lang at wala na kaming magagawa? Paano na yung anak ko na biniktima? Wala ba siyang karapatang mabuhay na ligtas at walang takot?”

Kahit na dismayado sa desisyon sa kaso ay lumakas pa rin ang kanilang loob na lumaban dahil sa mga mensahe at suportang natanggap nilang pamilya mula sa madlang pipol.

“But in our moment of doubt, all of you gave us clarity and purpose. You gave us strength. Nalaman namin na hindi kami nag-iisa,” sabi ni Alfred.

Dagdag pa niya,“Yasmine, my children, and I are overwhelmed with gratitude.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Alfred sa mga patuloy na nagdarasal, sumusuporta, at nagmamahal sa kanilang pamilya.

“You have inspired us to continue working for the truth and for a safer community for our children. We say no to bullying with greater determination. Itutuloy namin ang aming pagtutol at paglaban sa bullying.

“Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal at panalangin,” sabi pa ni Alfred.

The post Alfred Vargas gumuho ang mundo nang mabasura kaso vs Rob Sy appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Alfred Vargas gumuho ang mundo nang mabasura kaso vs Rob Sy Alfred Vargas gumuho ang mundo nang mabasura kaso vs Rob Sy Reviewed by pinoyako on May 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close