BREAKING NEWS

PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars!

PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars!
INQUIRER photo/Armin Adina

NAGSIMULA na nga ang kauna-unahang MGI All Stars Grand Final na ginaganap ngayong gabi, May 30, sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand.

Ang mga nagsilbing official hosts ay sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, reigning Miss Grand International Emma Tiglao, at ang Ecuadorian actor na si Danilo Carrera.

56 na kandidata mula sa 38 bansa ang naglaban-laban sa international stage, at isa-isa nang tinawag ang mga pangalan para sa unang cut ng Top 18 semifinalists!

Ang scoring ay binubuo ng 70% judges score at 30% audience score, habang may mga fast-track winners din na unang nakapasok sa semis.

Bago pa man ianunsyo ang Top 15 mula sa pangunahing scoring, nakakuha na ng semifinal spots ang tatlong kandidata sa pamamagitan ng fast-track challenges.

Narito ang mga fast-track winners na awtomatikong pasok sa unang round:

World’s Choice Winner – Huong Giang Nguyen, Vietnam

Runway Challenge Winner – Azzaya Tsogt-Ochir, Mongolia

Portrait Challenge Winner – Thet San Andersen, Myanmar

Sa limang Pinay naman na lumaban, dalawa lang ang nakapasok sa unang round at sila’y sina Gazini Ganados at Fuschia Anne Ravena.

Ang iba pang Pinay na naging pambato sa kompetisyon ay sina Keylyn Trajano, Imelda Schweighart, at Alexia Nuñez.

Samantala, narito ang buong listahan ng opisyal na Top 18 semifinalist:

Samantha Quenedit, Ecuador

Gazini Ganadoz, Philippines

Yamilex Hernandez, Dominican Republic

 Huong Giang Nguyen, Vietnam

Mariana Beckova, Czech Republic

Tharina Botes, Thailand

Fuschia Anne Ravena, Philippines

Priscilla Londono, Colombia

Faith Mariana Porter, Ghana

Gabriela Dela Cruz, Venezuela

Vanessa Pulgarin, Columbia

Francia Cortés Sandoval, Mexico

Suheyn Cipriano, Peru

Isabella Santiago, Venezuela

Nicole Puello, Dominican Republic

Thet San Andersen, Myanmar

Azzaya Tsogt-Ochir, Mongolia

Zewen Qin, China

The post PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars! PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars! Reviewed by pinoyako on May 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close