Gazini Ganados natitirang pambato ng Pinas sa MGI All Stars, bumandera sa Top 10!
MULA sa Top 18, unti-unti nang kumukonti ang bilang ng mga natitirang kandidata para sa korona ng MGI All Stars pageant!
Ibinandera na kasi ang Top 10 finalists matapos magpasiklaban sa stage ang mga naggagandahang kandidata suot ang kanilang swimsuit.
At ang nakakatuwa pa, kasama pa rin sa laban ang Pinay candidate na si Gazini Ganados, na buong tapang na ibinabandera ang bandila ng Pilipinas sa international stage.
Samantala, nagtapos sa Top 18 ang isa pang kinatawan ng ating bansa na si Fuschia Anne Ravena, habang hindi na nakapasok sa semifinals ang tatlo pang pambato ng Pilipinas na sina Imelda Schweighart, Keylyn Trajano, at Alexia Nuñez.
Baka Bet Mo: PH bets Gazini Ganados, Fuschia Ravena pasok sa Top 18 ng MGI All Stars!
Narito ang opisyal na Top 10 candidates ng kompetisyon:
Suheyn Cipriani, Peru
Yamilex Hernandez, Dominican Republic
Tharina Botes, Thailand
Faith Maria Porter, Ghana
Priscilla Londono, Colombia
Vanessa Pulgarin, Colombia
Mariana Beckova, Czech Republic
Gazini Ganadoz, Philippines
Gabriela De La Cruz, Venezuela
Huong Giang Nguyen, Vietnam
The post Gazini Ganados natitirang pambato ng Pinas sa MGI All Stars, bumandera sa Top 10! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 30, 2026
Rating:

No comments: