Gazini Ganados pasok sa Top 5 MGI All Stars, ‘di papakabog
HINDI nagpatinag ang bandila ng Pilipinas dahil pasok pa rin ang pambato na si Gazini Ganados sa Top 5 ng MGI All Stars.
Talagang makapigil hininga ang laban dahil mula sa Top 10 ay five finalists na lamang ang natitira na siyang may tsansang makamit ang korona bilang kauna-unahang kampeon sa unang edisyon ng patimpalak.
One step closer na nga ang mga kandidata sa kanilang minimithing korona bilang unang itatanghal na MGI All Stars queen.
Baka Bet Mo: Gazini Ganados natitirang pambato ng Pinas sa MGI All Stars, bumandera sa Top 10!
Narito ang kumpletong listahan ng mga pasok sa Top 5 ng unang edisyon ng MGI All Stars:
- Huong Giang Nguyen, Vietnam
- Mariana Beckova, Czech Republic
- Faith Maria Porter, Ghana
- Vanessa Pulgarin, Colombia
- Gazini Ganados, Philippines
Ngayong Sabado, May 30, ginaganap ang coronation night ng MGI All Stars sa Bangkok, Thailand.
Matindi ang kapit at paniniwala ng mga supporters ni Gazini na magwawagi ito sa patimpalak at masayang iuuwi ang panibagong korona para sa Pilipinas matapos mag-end ang journey ng mga kapwa Filipino representatives na sina Imelda Schweighart, Alexia Nuñez, Keylyn Trajano, at Fuschia Anne Ravena.
The post Gazini Ganados pasok sa Top 5 MGI All Stars, ‘di papakabog appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 30, 2026
Rating:

No comments: