Gazini Ganados bigong makapasok sa Top 3 MGI All Stars
NAGTAPOS na ang journey ng natitirang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa pagsungkit ng titulo bilang kauna-unahang kampeon ng MGI All Stars matapos itong hindi makapasok ng Top 3.
Maramo sa mga Pinoy pageant fans ang nalungkot sa pangyayari dahil umpisa pa lang ng laban ay pakak na pakak na ang beauty queen at slay na slay sa bawat round.
Sa kabila nito ay nanatili namang proud ang mga Pinoy dahil hindi naging biro ang pinagdaanan ni Gazini sa paglaban na masungkit ang MGI All Stars crown.
Baka Bet Mo: Gazini Ganados pasok sa Top 5 MGI All Stars, ‘di papakabog
Mula sa 56 delegates ay 3 na lang ang natira na aarangkada sa susunod na huling ng kompetisyon.
Narito ang kumpletong listahan ng mga pasok sa Top 3 ng unang edisyon ng MGI All Stars:
- Vanessa Pulgarin, Colombia
- Huong Giang Nguyen, Vietnam
- Faith Maria Porter, Ghana
Pasok pa sana ang score ni Gazini sa Top 3 dahil base sa score ay ikatlo siya sa mga boto ng judges ngunit kinapos ito sa online voting.
Ngayong Sabado, May 30, ginaganap ang coronation night ng MGI All Stars sa Bangkok, Thailand.
Bukod kay Gazini, itinaas rin ng iba pang beauty queens na sina Imelda Schweighart, Alexia Nuñez, Keylyn Trajano, at Fuschia Anne Ravena ang itinaas ang bandera ng Pilipinas sa naturang international beauty pageant.
The post Gazini Ganados bigong makapasok sa Top 3 MGI All Stars appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 30, 2026
Rating:

No comments: