BREAKING NEWS

Bela Padilla may pasaring tungkol sa mga naninira, kapayapaan

Bela Padilla may pasaring tungkol sa mga naninira, kapayapaan
PHOTO: Instagram/@bela

FINALLY, may sagot na si Bela Padilla sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update,” na galing sa source nila kung ano ang ugali nito sa seryeng “Blood vs Duty.”

Mahigit isang linggong pinagpipiyestahan sa social media at pahayagan ang balitang ito dahil marami raw hindi kasundo ang aktres sa nasabing serye na maging ang day-ender episode nITO ay kinukwestiyon niya.

Sa Instagram Stories ng aktres kagabi, May 30, nag-post siya ng mga art card na tila sagot sa mga isyu sa kanya.

Naunang post ng aktres na may background music mula sa bandang December Avenue at mga logo ng ASAP XP na may petsang Mayo 10 at inilagay sa harap at likod, December Avenue na ipinakita sa San Jose Academy noong January 23, 2025, ang mga poster ng kanyang mga pelikulang “100 Tula para kay Stella” at “100 Awit para kay Stella” na nagkaroon ng back-to-back screening.

Baka Bet Mo: Bela Padilla mahirap katrabaho at sakit sa ulo ng produksyon, how true?

Ang caption ng aktres, “Bumili ng 3 customized frames for my tickets. The seller sent me this! This is amazing! Gonna put my @asapofficial, 100 Tula x 100 Awit tix (hi @beka & @j.c.santos) and @decemberavenue concert tickets into these frames.”

Ang ikalawang art card post ay nakasulat sa shirt ng lalaki na may background music na Coldplay’s “Yellow”: “Walang sinuman ang makakatalo sa taong pinili ng Diyos na manalo.”

Ang ikatlo ay, “Nawa’y patawarin ng Diyos ang mga taong nagtangkang sirain ako.”

Ikaapat ay nakasulat sa edad na thirties, “Ang drama sa edad na ito ay nakakahiya…Kumita ng pera at makahanap ng kapayapaan.”

Ang ikalima at huli ay, “Lahat ng ginagawa mo, babalik sa iyo. Gumawa ng mabuti, maging mabuti.”

Base sa mga nabasa naming komento ng netizens ay dapat baguhin na ni Bela ang pakikitungo sa mga katrabaho niya dahil iisa ang kwento at maging ang mga kaibigan niyang sina Kim Chiu at Angelica Panganiban ay dumistansiya na sa kanya.

The post Bela Padilla may pasaring tungkol sa mga naninira, kapayapaan appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Bela Padilla may pasaring tungkol sa mga naninira, kapayapaan Bela Padilla may pasaring tungkol sa mga naninira, kapayapaan Reviewed by pinoyako on May 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close