BREAKING NEWS

Skusta Clee, Flow G mas pinainit, pinabongga Hakot Relay 2026 sa Iloilo

Skusta Clee, Flow G mas pinainit, pinabongga Hakot Relay 2026 sa Iloilo
Skusta Lee at Flow G

NAGING matagumpay ang opisyal na pagsisimula ng “Hakot Relay 2026” series na naganap sa Iloilo kasama sina Skusta Clee at Flow G.

Matapos ang matagumpay na paglulunsad noong 2025, nag-start na nga ang serye ng Puregold Hakot Relay sa Iloilo, na naghatid ng masiglang pambungad kasabay ng paghandog ng praktikal na suporta sa mga komunidad sa Visayas.

Idinaos noong April 26 sa kahabaan ng Sunset Boulevard, super successful ang naturang event sa pinagsamang kakaibang experience sa pagtakbo, at bonggang performance mula kina Skusta Clee at Flow G.

Tuwang-tuwa at talagang nakikanta at nakisayaw ang audience sa paghataw on stage ng hiphop hitmaker at songwriter na sina Flow G at Skusta Clee. 

Bilang una sa tatlong nationwide stops ng Hakot Relay, dumayo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kabilang ang Bacolod, Cebu, Antique, at iba pang lugar sa Panay, upang makilahok sa mga aktibidad. 

Para sa marami, higit pa sa simpleng pakikilahok ang kanilang karanasan, dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makakuha ng mahahalagang item mula sa grocery, sa panahong patuloy na nakaaapekto sa budget ng mga pamilya ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Ibinahagi ni Vincent Co, President ng Puregold Price Club Inc., na sinasalamin ng inisyatibong ito ang patuloy na layunin ng kompanya na makalikha ng mga programang nakasentro sa komunidad na may tunay na pakinabang para sa mga pamilyang Pilipino.

“Layunin naming makalikha ng mga karanasang nagbubuklod sa mga tao habang naghahatid ng tunay na halaga sa aming mga komunidad.

“Ang Hakot Relay ay isa sa mga paraan upang makaugnayan namin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng karanasang maaari nilang ma-enjoy at maiuwi, lalo na sa panahong mas mahalaga ang mga pangunahing pangangailangan. 

“Inaasahan naming maihatid pa ito sa mas maraming lugar at mas marami pang mamimili,” aniya pa.

Kaiba sa karaniwang format ng mga karera, mas malalim ang kahulugan ng Hakot Relay sa kasalukuyang panahon, kung kailan mas nagiging hamon para sa maraming Pilipino ang pang-araw-araw na gastusin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo at iba pang kawalang-katiyakan. 

Sa ganitong konteksto, nagsisilbi itong napapanahong tugon sa pangangailangan ng mga pamilya sa buong bansa. 

Sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga tao sa isang sama-samang aktibidad habang binibigyan sila ng pagkakataong makapag-uwi ng mahahalagang gamit, ipinapakita ng inisyatiba ang diwa ng bayanihan at kongkretong suporta.

“Ikinagagalak naming maipakilala ang Hakot Relay sa mas maraming rehiyon ngayong taon, simula sa Visayas. Paraan namin ito upang magpasalamat sa pamamagitan ng paglikha ng karanasang maaaring pagsaluhan ng lahat, at nakatutulong sa simple ngunit makabuluhang paraan,” pagbabahagi ni Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad.

Tumawid sa finish line ang mga kalahok na may dalang finisher’s medals, grocery bags, at eksklusibong event merchandise, habang may ilang race waves ding nakatanggap ng mga sorpresang aytem sa kahabaan ng ruta. 

Higit pa sa karaniwang event giveaways, nagsilbing kapaki-pakinabang na dagdag-suporta ang mga take-home items na maaari nilang magamit para sa pangangailangan ng kanilang mga tahanan sa mga susunod na buwan.

Sa mga susunod na yugto sa South Luzon at Metro Manila, mas marami pang komunidad ang maaabot ng Hakot Relay 2026, na naghahatid ng panalong karanasang nag-uugnay sa mga tao habang nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa pang-araw-araw na pagharap sa mga hamon ng mga pamilyang Pilipino.

The post Skusta Clee, Flow G mas pinainit, pinabongga Hakot Relay 2026 sa Iloilo appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Skusta Clee, Flow G mas pinainit, pinabongga Hakot Relay 2026 sa Iloilo Skusta Clee, Flow G mas pinainit, pinabongga Hakot Relay 2026 sa Iloilo Reviewed by pinoyako on May 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close