BREAKING NEWS

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

LALONG naging kaabang-abang ang bagong produksyon ng 9 Works Theatrical!

Ibinandera na kasi nila ang full cast ng upcoming musical na “YEMAYA.”

Halo-halong batikan at rising stars ang bumubuo sa ensemble na maghahatid ng kwento tungkol sa myth, motherhood, at agos ng kapalaran.

Tommy Alejandrino, Benedix Ramos bilang ‘Jesus/Mulo’

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

Ang karakter na Jesus/Mulo ay gagampanan nina Tommy Alejandrino at Benedix Ramos.

Si Tommy ay award-winning film at theater actor na nakilala sa pelikulang “The Baseball Player.”

Baka Bet Mo: ‘On Your Feet!’ musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo!

Kasama rin siya sa mga pelikulang “Mallari,” “GomBurZa,” “Salome,” at “Her Locket,” kung saan umani siya ng nominasyon sa kanyang mga pagganap. 

Nag-aral din siya ng theater sa Philippine High School for the Arts.

Si Benedix naman ay hindi lang actor kundi singer-songwriter, host, at content creator pa. 

Nakilala siya sa “Better Days” at bilang Streamboy Apo ng Pangasinan sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10: Celebrity Edition.” 

Sa theater, napanood na rin siya sa “Next To Normal,” “Bar Boys: The Musical,” at “Tabing Ilog: The Musical.”

Sheena Belarmino, Ness Roque bilang Maya

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

Ang titular role na Maya ay paghahatian nina Sheena Belarmino at Ness Roque.

Si Sheena ay Star Magic artist na singer, dancer, actress at host. 

Sumikat siya sa mga competition gaya ng Dance Kids, Tawag ng Tanghalan Kids, at Your Face Sounds Familiar Kids. 

Sa acting, nagsimula siya sa “Lyric and Beat” bilang Melissa, at nakatanggap pa ng Gawad Buhay nomination para sa “One More Chance The Musical.” 

Napanood din siya sa “Spring Awakening,” “Next to Normal,” “Tabing Ilog: The Musical,” at “Bar Boys: The Musical.”

Si Ness Roque naman ay hindi lang theater at film actor, kundi performance dramaturg at educator pa! 

Kasalukuyan siyang nag-doctorate sa Tokyo University of the Arts under MEXT Scholarship. 

Bukod sa stage works gaya ng “Traveling Tongues” at “The Window of Spaceship In-Between,’” lumabas din siya sa films na “How to Disappear Completely” at “Now Showing.” 

Co-founder din siya ng Salikhain Kolektib.

Bituin Escalante bilang Yemaya/Inay

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

Ang pinakamatinding pasabog…si Bituin Escalante ang gaganap bilang Yemaya/Inay!

Siyempre, hindi na bago ang pangalan niya sa Philippine theater scene. 

Ilang dekada na ang career niya at marami na siyang awards, kabilang ang Gawad Buhay para sa “Himala Isang Musikal” at “Priscilla Queen of the Desert,” pati BroadwayWorld Best Actress awards. 

Huli siyang napanood sa “Pingkian: Isang Musikal.”

Dagdag cast at mga karakter

‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

Kasama rin sa cast si Herbie Go bilang Tico, pati si Sheenly Gener bilang Lila, Anthony Falcon bilang Jelin, at Wenah Nagales bilang cover para sa Yemaya/Inay.

Ang kwento ng ‘YEMAYA’ ay tungkol sa isang batang lalaki na naglalakbay sa lupa at dagat para hanapin ang kanyang lugar sa mundo. 

Mula sa simpleng “what if,” magiging “what could be” ang kanyang journey na punong-puno ng hope, perseverance, at agos ng kapalaran.

Mula ito sa direksyon at set design ni Ed Lacson Jr., habang si Eljay Castro Deldoc naman ang nagsalin sa Filipino.

Para sa musika at sound design, si Teresa Barrozo ang gumawa.

Mapapanood ang ‘YEMAYA’ sa weekends mula June 13 hanggang July 5 sa The Black Box at The Proscenium Theater, Rockwell Makati.

Ang Tickets? Available na sa Ticket2Me.net.

The post ‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha appeared first on Bandera.


Uploaded Image
‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha ‘YEMAYA’ may cast reveal na; star-studded ensemble ready magpaiyak, magpamangha Reviewed by pinoyako on May 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close